“Rod! Rod! Rodrigo! Gumising ka nga.” Sunud-sunod ang pagyugyog na ginawa ko sa balikat ng aking asawang mahimbing na natutulog. “Hmmm... five minutes, 'Ta...” “Tsk! Gumising ka nga. Si Rebecca, yung anak mo!” Bigla naman syang bumalikwas ng bangon. “Anong nangyari sa anak ko?!” namumula pa ang ugat ng mga mata nya. “Si Rebecca kasi, Rod nag-aalala ako sa anak natin,” tukoy ko sa apat na taon naming anak. “Ano nga, Agatha, may sakit ba? Tara, puntahan natin.” Maliksing tumayo si Rodrigo at isinuot ang iniabot kong roba. Marahan kaming lumapit sa kwarto ni Rebecca. Niliitan ko lamang ang siwang ng pinto upang hindi kami mapansin nito. “Silipin mo dali,” utos ko sa kanya. Nagkanda-ngudngod naman sya pagsilip. Pagharap sa akin ni Rod ay sulubong na ang kila
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


