Chapter 7

1534 Words
apapangiti si Rod sa nakikitang reaksyon kay Agatha. Nagkakandahaba ang nguso nito at kunot na kunot ang noo habang sinusukat ang mga pinamili nyang pantalon, leggings, T-shirt at jacket. Mas maiging laging itong nakabalot para iwas tukso.   Walang naging usapan sa pagitan nila ni Agatha matapos ang naging eksena nila sa pool. Pasalamat na lamang sya sa isang netizen na nagsumbong sa lifeguard na sumita sa kanila. Kahit daw gabi na ay may mga bata pa rin silang kasabay lumangoy, kaya policy daw ng resort na stictly no PDA, public display of attention.   Sya mismo ang humingi ng dispensa sa taong nagreklamo nang makaahon sila ni Tata sa pool, at minabuti na rin na umalis na. Parang wala lang naman kay Tata, dahil nang nasa sasakyan na hanggang sa makauwi ay kaswal pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.   Wala nang nag-ungkat sinuman sa kanila ng kababata. Ngayon nga ay halos isang linggo na ito sa kanila. Walang araw na wala silang hindi ginawa. Manood ng sine, shopping, kain, exercise, lahat na.   “Ayan, bagay sa'yo. Ganyan dapat lagi ang mga suot mo." Sabi ni Rod sa babaeng panay sipat ng sarili sa salamin.   Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya. Pinisil nya ang maliit ngunit matangos nitong ilong. Hindi pa rin nangiti ang dalaga.   “Maganda ka okay? Kahit ano pang damit ang isuot mo.” Pakunswelo nya rito, na totoo naman.   “Hindi naman yun eh. Ayoko ng mga ganyang pormahan, Rod, naiinitan ako. Gusto ko yung tagus-tagusan ang hangin sa katawan ko!”   “Tata, mabuti sana kung hangin lang ang tagus-tagusan sa katawan mo. Kaso hindi eh, pati mata ng mga kalalakihan halos tumagos na rin sa katawan mo dahil sa mga damit na suot mo.” Sinabi iyon ni Rod sa pinakamalumanay na paraan na hindi mao-offend si Agatha. Ayaw nyang sumama ang loob sa kanya ng kaibigan.   “Fine.” Mukhang hindi pa rin ito sang-ayon at napilitan na lamang.   “Good girl. Ngayon, baba na tayo dahil may ibibigay daw sa atin si Papa. Smile ka na.”   “Hmpf! Ginawa pa kong bata.” Sinikaran sya nito sa tyan bago nagtatakbo pababa ng hagdan.   “Ayaw maituturing na bata, pero isip bata naman...” bulong nya sa sarili habang hinihimas ang tyan.    >>>>>Bida ang saya... kanta ni Agatha sa isip-isip nya.   “Imbes na kami ng Mama mo ang sumali dyan, kayo na lang ni Agatha. Fun Run yan. Layunin ng Fun Run na yan na sagipin ang kagubatan na unti-unti nang nakakalbo.”   Napatingin si Agatha sa ulo ng Papa ni Rod na unti-unti na ring nakakalbo.   “Ano po yan, Tito? Yung parang commercial sa TV na Milo marathon, na takbo-jogging kami, ganon?”   Malay ba naman nya sa Fun Run. Sa totoo lang ay tila kalokohan yon. Magbabayad kayo upang tumakbo ng ilang kilometro. Napagod ka na, nagastusan ka pa. Magtatanim na lang sya ng puno. Yun, baka nakatulong pa sya sa Earth.    >>>>>>>>>Wapak! Ganern!   “Ouch!”   “Napaano ka?” mabilis na napaharap si Rod. Itinukod nito ang isang siko upang makita ang kinakamot nya sa kanyang batok.   Tila may insektong nakapasok sa loob ng tent nila. Kinagat niyon ang batok  ni Agatha kaya napaigik sya sa kirot. Napawilig si Agatha. Naramdaman nyang gumapang ang insekto sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib. Pumasok ito sa loob ng kanyang kaliwang bra.   “Shocks! Rod! Hulihin mo dali! Baka ipis yan!” tili nya.   Dahil masunurin, mabait at sobrang concerned si Rod sa kanya, dinamba ng malayang kamay nito ang kanyang kaliwang dibdib kung saan pumasok ang insekto. Nakadakot at nakadiin pa rin ang kamay ni Rod sa ibabaw ng kanyang bra sa pangambang baka makawala ang walanghiyang salarin.   “Paano? Ikaw kaya kumuha? Nasa loob eh! Palagay ko maliit na ipis 'to, yung mabilis lumipad at gumapang,” sabi nito na hindi pa rin inaalis ang kamay.   “Ikaw na! Ayoko humawak ng ipis! Please tanggalin mo!” naiiyak na sya. Maliit o malaki man, ipis pa rin yon.   Napasinghap si Agatha nang ipasok ni Rod ang kamay nito sa loob ng kanyang bra upang kapain ang insektong naroon. Gumala ang kamay ng lalaki sa marahan na paraan. Napadilat sya at natagpuang mataman syang pinagmamasdan ng lalaki. Patuloy pa rin ito sa paghaplos sa kanyang dibdib. Napakagat labi si Agatha nang bahagyang lapirutin ni Rod ang kanyang kapiranggot na u***g na nabuhay at tumigas dahil sa ginawa nito.   Tuluyan nang nawala sa eksena ang insekto nang unti-unting bumaba ang mukha ni Rod sa kanya. Marahan nitong tinikman ang kanyang labi na buong puso naman nyan tinugon. Lumipat ang labi nito sa kanyang panga, at mula roon ay nilandas ang kahabaan ng kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib.   Tuluyan nang nakalimutan ni Agatha ang insekto, dahil ang insekting si Rod na ngayon ang kumakagat-kagat sa kanyang panga, leeg at pisngi ng kanyang dibdib.   Nakakaramdam na ng pag-iinit ng katawan si Agatha nang huminto ang lalaking nakaibabaw sa kanya.   “Bakit ka tumigil?” habol ang hiningang tanong nya kay Rod.   “Pumasok ata sa pantalon ko yung insekto. Excuse me, CR lang ako.”   Dire-diretsong lumabas ni Rod ng tent. Napabuga ng hangin si Agatha. Duda syang insekto ang concern ni Rod sa loob ng pantalon nito.   Sige lang... pasasaan ba at bibigay ka rin...    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD