Nagising si Agatha sa marahan na haplos sa kanyang buhok. Napaka-banayad ng ginagawang pagsuklay at paghawi sa mga hibla ng kanyang buhok na kumalat sa kanyang mukha.
“R-Rod...” malat nyang usal.
Sa kwarto na sya ng lalaki nakatulog. Nagkwentuhan, nag-movie marathon, nagbasa-basa ng mga magazine at ultimo pagba-bible study ay ginawa na nila sa loob ng kwarto nito. Ang hindi lang nila ginawa ang mag-uhm...kwan...alam na.
Bumilis nang todo ang t***k ng puso ni Agatha na halos iluwa na ng dibdib nya dahil sa simpleng pagdampi ng labi ni Rod sa puno ng kanyang tainga. May moment na eh. Sa isip-isip nya ay tinatablan na ang lalaki sa kanyang karisma. Eh ang kaso, humingi ng sorry. Basag!
Anong aasahan nya? Feeling siguro ni Rod ay hindi na ito tatanggapin sa langit dahil lang sa nag-attempt ito na idampi ang labi sa kanyang tainga. E di meow! What if na lang pala kung nag-make out sila? Baka magtungo na ito sa Quiapo nang nakaluhod.
“Gising na po...mahal na prinsesa. Maganda ang panahon. Mag-swimming tayo.” May saya sa tinig ng lalaki.
Napabalikwas ng bangon si Agatha. Nalaglag ang kumot sa kanyang bewang. Lumantad ang mabilog nyang dibdib na tanging neon blue na bra lamang ang nakatakip. Balewala lang naman sa kanya iyon. Hindi na sya sanay matulog nang nakadamit. Simula nang umalis sya sa kanila at mamuhay nang mag-isa ay wala nang aircon ang kanyang kwarto. Dahil hindi sya sanay, sya na lamang ang nag-adjust. Simula noon ay natutulog na sya nang bra at panty lang ang suot. Naiinitan pa rin sya kahit pa nakatutok na ang electic fan sa kanya.
Kagabi, nawala sa isip nya na sa kwarto nga pala sya ni Rod nakatulog. Wala sa loob na hinubad nya ang mga suot na damit. Tulog na tulog naman ang isa. Nang madaling araw na ay nangangatog sya sa lamig dahil may AC nga pala ang kwarto ni Rod. Sa halip na magdamit ay binalot nya na lamang ng kumot ang katawan.
“Magbi-beach tayo? Or pool resort lang?” Hindi na sya nag-abalang magtapis man lang. Tumayo sya sa harapan ni Rod at nameywang. >>>>>Ano ba kasi ang tumatakbo sa isip mo? tanong ng isang bahagi ng utak nya. Kahalayan! Ano pa ba?! sagot naman ng kabila.
Urgh! Nababaliw na ata sya. Nababaliw na sya nang dahil sa babaeng nakatuwad ngayon sa harap nya at dinadampot ang saplot na tila ba basta na lamang nito inihagis kagabi. Sigurado naman sya na walang nangyari sa kanila. Nauna syang matulog dito, kaya imposible talaga.
“Ah... Tata, bakit pala wala kang damit? I mean, nong nakatulog ako kagabi... kumpleto naman ang saplot mo.” hindi nya ito matignan nang deretso, at hindi rin sya makatyo sa kanyang pwesto dahil dama nya ang paninikip ng kanyang panloob.
Lord... sorry po. Tao lang, naapektuhan din.
“Sorry. Hindi na kasi ako sanay matulog nang may damit. Eh late na nang ma-realize ko na fully air conditioned nga pala 'tong room mo. Sa apartment ko kasi, fan lang ang gamit ko,” sabi nito habang isinusuot ang damit.
Kung alam nya lamang na hubad pala itong matulog ay binuhat na sana nya ito papunta sa sarili nitong silid para hindi sya nagdurusa ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Rod at nag-isip ng ibang bagay upang kahit papaano ay kumalma ang kanyang nararamdaman.
“Okay. Sunod ka na lang sakin sa baba.” Mabilis syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at agad na tumalikod.
“Wait!”
“Bakit?” Hindi sya humarap.
“Ilabas mo yan.”
Otomatikong napaharap sya kay Tata. Inginuso nito ang kanyang harapan.
“Masakit sa pantog yan.”
Naiiling na tinalikuran nya ang babae. Kahit naisara na ang pinto ay dinig pa rin nya ang halakhak ng pilya.
>>>>>Tss... bakit? Ikaw din naman ah!
“Uy! hindi ka na nagsalita.” tumihaya ang kaninang nakadapang si Agatha. Lalo tuloy nalantad sa kanyang harapan ang mabibilog nitong dibdib, flat na tyan at makinis na hita.
Huminto na rin naman si Rod sa pagpapahid ng sunblock kay Tata at mataman nya na lamang itong pinagmasdan.
“Akin na nga!”
“Ang alin?”
“Yung T-shirt. Isusuot ko na.”
Tumalikod si Rod nang may ngiting tagumpay sa mga labi.
>>>>>Great! Ngayon naman ay nauutal na sya.
“Kiss me, Rod.” Mapang-akit ang utos na iyon ni Agatha.
“Bigyan mo ako ng magandang dahilan bakit kailangan kong gawin sa iyo yon, Agatha.”
“Ngayon ako na si Agatha? Nasaan na si Tata? Isang nakababatang kinakapatid pa rin ba ang tingin mo sakin huh, Rod?”
“Iginagalang kita, Tata, at hindi ako ang tipo ng lalaking basta-basta na lamang nanghahalik nang walang dahilan.” May halong inis na sa boses niya. Tila inuubos talaga ng kababata ang kanyang pasensya.
Hindi dapat nangyayari ito. Wala dapat ganitong sitwasyon sa pagitan nila. Hindi dapat ganito kalapit ang mga katawan nila, at wala dapat ganitong usapan na namamagitan sa kanila!
“Basta halikan mo na lang ako, dahil yung lalaki sa likuran mo ay pini-flirt ako at ayaw maniwala na boyfriend kita!” naiinis na rin na bulalas ni Agatha.
Nang hindi gumawa ng hakbang si Rod ay naramdaman nya ang unti-unting pagluwag ng mga braso ni Agatha sa kanyang leeg at ang bahagya na nitong paghiwalay sa kanyang katawan.
Hindi na nag-isip pa ng kung ano si Rod. Ipinulupot nya ang dalawang braso sa makurbang bewang ng dalaga at hinapit itong maigi upang muling magdikit ang kanilang katawan.
Sinakop ng bibig nya ang nakaawang na bibig ng dalaga. Sa umpisa ay tila nagulat ito sa rahas ng ginawa nyang pagsipsip at pagkagat sa labi nito. Nang sundut-sundutin nya ng dila ang magkadikit pa rin na ngipin ng babae ay doon na ito gumanti ng halik. Hindi na nila alintana ang paligid. Bawat segundo na magkaniig ang kanilang mga labi ay tila walang katapusan.
Prrrrtttt!!!!!! Kung hindi pa sila pinituhan ng lifeguard ay hindi pa sila mahihinto.
Itutuloy...