Chapter 5

1570 Words
Takpan mo yung mata mo! Utang na loob. Wala akong saplot!”   Pulang pula na ang magkabilang pisngi ni Agatha, at ramdam nya iyon. At hindi lang sya! Kahit si Rod, pulang-pula na rin ang mukha. Di malaman ng lalaki kung saan sya hahawakan at kung saan ibabaling ang tingin.   Kung may makakakita lamang sa kanilang sitwasyon ay baka sikat na sila ngayon sa social media. Sya na mukhang sinasanibang hubad na bulate dahil sa pamimilipit sa sakit ng balakang at ulo, at si Rod na tila bulag dahil hindi maitutok sa hubad nyang katawan ang mga mata at kakapa-kapa dahil hindi malaman kung saan ba sya unang hahawakan.   “Aray!” napaiktad si Agatha nang muling gumuhit ang kirot sa kanyang balakang.   Otomatikong dumaklot ang malaking kamay ni Rod sa kanyang...suso?!   “Tsk! Rod, ano ba? Boobs ko yang hinhawakan mo!” paungol nyang sabi sa lalaki. May mas nakakahiya pa ba sa nangyayari sa kanila?   “Oh God! Wag ka kasing malikot. Braso mo kasi dapat ang hahawakan ko. Steady ka lang okay? Bubuhatin kita, ililipat kita sa kama,” bulalas ni Rod, sabay tayo at natatarantang kinuha ang roba.   Maigi na rin na umalis na ito sa kanyang tabi at hindi na nakita pa ang pagkakaroon ng reaksyon ng kanyang dibdib. Nangalit ang kanyang maliit na korona dahil sa mainit na palad ni Rod. Nang makabalik ay hindi na nag-abala ang lalaki na isuot sa kanya ang roba. Sa halip ay ipinatong na lamang ito sa kanyang kahubadan at tsaka sya binuhat.   Gustuhin mang ikuyampit ni Agatha ang kanyang braso sa leeg ni Rod ay hindi nya magawa dahil na rin sa roba na nakabalot sa kanya. Dahan-dahan sya nitong inilapag ng kama at binalutan ng kumot. Hinalungkat nito ang dala-dala nyang bag. Napakunot ang noo ng lalaki nang makitang pulos sleeveless, short shorts at pares ng mga bikini ang laman ng kanyang bag.   “Wala ka man lang bang panjama o kaya eh palda or dress dito sa mga damit mo?” salubong ang kilay na tanong nito sa kanya.     “Heller! Ang init sa Pinas, kaya di ako nagsusuot ng mga ganon.” sagot nya kahit nagkakandangiwi pa rin sa sakit.   Umalis si Rod ng kanyang kwarto. Walang sinabi at basta na lamang lumabas ng silid.   “Luh, nainis ata sa mga outfit ko. Ganon ba talaga ang mga magpapari, sobrang conservative?” kausap ni Agatha sa sarili. Maya-maya pa ay nakarinig na sya ng mga yabag.   Naupo si Rod sa tabi nya, sa gilid ng kama. May dala-dala itong isang pares ng damit. T-hirt iyon at cotton na panjama. May ipinatong din itong langis sa ibabaw ng mesa na napapatungan ng lamp shade.   “Masakit pa ba? Kaya mo bang isuot ito sa katawan mo o gusto mong ako na ang magsuot sa'yo?” May pag-aalala sa tinig ng lalaki. Hindi sya sanay na may taong nag-aalala para sa kanya, kaya hindi nya malaman kung anong reaksyon ang ipapakita nya.   Urgh! Natural lang ba sa lalaki ang maging ganito ka-sweet?   “Tss! Paano mo naman ako susuotan ng damit aber?” pang-aalaska nya sa lalaki. Sabagay, wala na rin naman syang dapat itago. Imposible namang hindi nito nakita ang lahat-lahat sa kanya, kahit pa hindi nito direktang itinutok ang paningain sa kanya kanina.   “Pwede kong patayin ang ilaw para mabihisan ka, kung nahihiya ka,” sabi ni Rod sa seryosong mukha at nakatutok ang mga mata sa kanya.   “Hindi na. Kaya ko naman eh. Talikod ka na lang...o kahit hindi na nga eh, nakita mo naman na.” Well, wala naman syang dapat ikahiya sa katawan nya. Walang perpekto, pero proud syang sabihin na almost perfect ang hubog ng kanyang katawan.   Pero dahil, mabuting tao si Rod at takot magkasala, tumayo ito at lumabas muli ng kanyang siid.   Hay...Mr.  Gorgeous-hot-soon-to-be Priest.   “Tapos na!” sigaw nya nang maisuot ang damit na dala ni Rod. Di rin naman nagtagal at pumasok na si Rod. Halatang nakabantay lang ito sa pinto. Muling naupo ang lalaki sa gilid ng kama.   “Dumapa ka at hihilutin ko ang balakang mo.” Bumalik na ang pagiging malumanay nito sa pagsasalita.   “Mukha naman akong scarecrow dito sa damit mo.”   “Magandang scarecrow,” simpleng bulong ni Rod na di nakaligtas sa matalas nyang pandinig.   Napapangiting dumapa si Agatha ng kama. Inililis ni Rod ang T-shirt nya hanggang sa itaas ng kayang batok. Nakikiramdam lamang si Agatha. Dinig nya ang pagbukas nito ng bote ng langis. Maya-maya pa ay humagod na ang malalaking kamay nito sa kabuuan ng kanyang likod hanggang balakang.   Holy s**t! Parang may mahika ang bawat hagod ng kamay ni Rod. Hindi maiwasan ni Agatha ang mapaungol.   “Damn!”   “Watch your words, Tata.”   “Ito naman! Sasabihin ko lang naman na ang galing mo! Saan ka natuto maghilot?” halos tumirik ang kanyang mata sa sarap ng hagod ng mga kamay  nito.   “Nag-enroll ako sa simbahan,” malat na usal ni Rod.   “Nice. Ang sarap...”   Wala na syang iba pang narinig na tugon sa lalaki. Tanging mga malalim na paghinga na lamang at ungol nya ang maririnig sa buong silid.   “Agatha...” basag ni Rod sa katahimikan. Ungol lang ang kanyang naging tugon. “Hindi ko sinasadyang makita kanina. If you don't mind me asking, bakit ka naglagay ng tattoo sa katawan mo? Makinis at maganda ang balat mo. Sayang naman at dinumihan mo lang.”   “Grabe ka naman! Dumi talaga? Art yan, ano ka ba? Tsaka lahat yan may ibig sabihin. Hindi yan trip lang at basta ko lang ipinalagay,” pagtatanggol nya sa mga nanahimik na tattoo nya.   “Care to tell me the story?” usal nito habang patuloy pa rin sa paghagod sa kanyang likod.   At dahil hindi naman na sya bitter, buong puso nyang inilahad kay Rod ang kanyang buhay pag-ibig na nagbigay kahulugan sa mga marka nya sa katawan. Mataman lamang naman ito na nakikinig. Paminsan-minsan ay natatawa, lalo na sa parteng nagkaroon sya ng nobyong beki na kuya pala nya ang bet.   Alam na ni Rod ang istorya ng buhay nya, napag-kwentuhan nila iyon nang tawagan nga sya nito na halos inabot sila ng kinabukasan. Nanghihinayang man sa sinapit nya dahil sa nasirang relasyon sa pamilya ay humanga pa rin naman ito sa kanya dahil sa tapang at lakas ng loob nyang maging independent. Nanghinayang din na wala raw ito sa tabi nya noong mga panahon na gipit sya at walang kasama. Awww...ang sweet.   “Ibig mong sabihin, dalawang tattoo ang katumbas ng sinasabi mong 'Mac'? Minahal mo talaga sya nang sobra noh?”   “Yeah,” tipid nyang tugon. Wala syang inilihim kay Rod. Ultimo pagsuko nya ng kanyang perlas ng silanganan kay Mac ay ikwinento nya. Pero syempre, hindi na nya idinetalye yon.   Sa haba ng storytelling nya sa lalaki ay tila sya ang inantok. Nang mapansin siguro ni Rod na napipikit na sya ay marahan nitong ibinaba ang kanyang T-shirt at itinaas naman ang kumot hanggang sa kanyang balikat. Naramdaman nya pa ang pagdampi ng labi nito sa kanyang buhok bago lumabas ng pinto.>>>>>>>>>Para kasing... ang sherep... eh keshe mamula-mula at moist ang manipis na labi ni Rod.   “Para kang sira! Ginawa ko lang yon para tumigil ka sa pagngawa mo!” sinabayan nya ng talikod. Mahirap na, baka masunggaban pa nya nang di oras ang lalaki. Baka matakot at mangaripas ng takbo papuntang kumpisalan.   “But you know what?” malakas lang nang kaunti sa bulong na sabi ni Rod. Naramdaman nya ang dibdib ng lalaki sa kanyang likod.   “W-what?” Kainish nauutal sya.   “First Kiss never dies...”   “Hindi ba 'First Love' yon?”   “First Kiss, First Love, what's the difference?” Dama nya ang pagdampi ng labi ni Rod sa puno ng kanyang tainga.   Harujusku...    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD