“YOU OKAY, Mom?” tanong ni Paolo kay Angelu. “No,” wala sa sariling tugon niya. Agad din namang nakabawi, “Err, yes! I mean I’m okay, son.” s**t. Hindi siya pinatatahimik ng nangyaring halik sa pagitan nila ni Nick kanina. She was cursing herself since then. Bakit hinayaan niya ang sarili na mangyari iyon? Nick is nothing but trouble. Pinaibig siya nito pagkatapos ay sinaktan at iniwan. Ah, hindi na iyon mauulit. Hindi na. “…And I kiss you… I kiss you because I can’t help myself. Dahil iyon ang gustong-gusto kong gawin, Anj. To be honest, it felt like I have missed you so much. It felt like I’m dying to hold you. Believe me, gustong-gusto kong makaalala, Anj. Gustong-gusto kong maalala kung ano ang nangyari noon kasi bakit… bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?

