BUMILIS ang t***k ng puso ni Angelu nang makita niya si Nick na prenteng nakasandal sa nakasarang pinto ng kanyang opisina. It was so early in the morning. She noticed the bouquet of flowers in his hand. Hindi lang ang bulaklak ang napansin niya, napansin din niya kung gaano kaaliwalas ang guwapong mukha nito. Napansin niya na parang lalong gum’wapo ang binata. He smiled when he saw her. His penetrating eyes lit up. Oh, boy, he was taking her breath away. Gustong umiwas ni Angelu pero hanggang kailan niya maiiwasan si Nick? Itinuloy niya ang pagpunta roon. “Tabi,” masungit na sabi niya. “Good morning.” He said, smiling. Umalis naman ito sa pagkakasandal sa pinto at binigyan siya ng daan para mabuksan iyon. Nang mabuksan ay tuloy-tuloy siyang pumasok. Ni hindi niya ibinalik

