MASANGSANG na amoy ng ammonia ang nagpabalik sa kamalayan ni Angelu. Umungol siya. “Hmm. Hmm…” “Anj…” sabi ng boses. Nagmulat si Angelu ng mga mata. She was disoriented at first, nagtataka kung bakit tila nasa isang ospital siya. Nang bumalik ang lahat ay mabilis na napabalikwas ang dalaga. Tiningnan niya ang nagsalita. It was Tito Nathan. “S-si Nick, si Nick po?” hintakot na tanong niya. Agad namaybay ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis na bumaba siya ng kinahihigaang hospital bed. “The doctors were trying their best. They’re… reviving him.” Malakas na napasinghap siya. Reviving! Bumalik na naman ang halo-halong damdamin sa dibdib niya. “Nick! Ni—ck!” humahagulhol na pagtawag niya sa pangalan nito habang halos takbuhin niya ang paglabas ng silid na iyon kahit hindi talaga alam k

