HINDI NA mabilang ni Angelu kung ilang beses na siyang sumulyap sa cell phone niya. Kahit na imposibleng makaligtas sa pandinig niya kung tumunog man ang message alert tone o kung mag-ring man iyon ay maya’t-maya pa rin ang pagtse-check niya sa telepono. Tanghali na pero hindi man lang nagpaparamdam si Nick. Ni hindi man lang ito mag-text kung nakarating na ba ito ng Maynila o ano? Sumimangot siya. Gusto niyang pagsisihan na hindi na niya ito hinarap kanina. Anj, I’ll be back, okay? I love you. Sabi ng family doctor namin ay may posibilidad na ang dahilan ng pagsakit-sakit ng ulo ko ay dahil malapit ko ng maalala ang nakaraan. He needs to see me and run some tests. I’ll be back, Anj. I’ll be back, iyon ang huling sinabi nito nang katukin siya nito. Pao, take care of mommy whil

