OMG! SABI KO na nga ba at parang may kamukha si Your Highness, eh. Tama! Kamukha niya iyong guwapong bata sa resort na pinuntahan namin last summer. I’m telling you, para silang pinagbiyak na bunga! Iyon ang comment na nagpadali sa sana ay pag-iimbistiga ni Nick. Dahil nakuha na ng buo ng confession na iyon ang isip at atensiyon niya ay agad na pinadalhan niya ng private message ang nag-comment at tinanong kung saan ang resort. Pagkatapos ay nakiusap siya na alisin na nito ang comment. Nangako siya na bibigyan ito ng updates sa mangyayari. Thank God at nakipag-cooperate naman ito. So Nick was now on his car. Patungong Laguna. The situation was suddenly becoming his main priority. Naisantabi niya ang negosyo at ang mga bagay na dapat ay inaasikaso na niya agad. Mat

