“IKAW BA ang may gawa ng confession na iyon?” agad na tanong ni Angelu kay Wena. Hindi ito umimik. At para sa kanya ay sapat na iyong pag-amin. “Damn, alam mo ba kung ano ang ginawa mo, Wena?” Sa sobrang inis ay hindi na nagpaawat ang mga luha niya at tuloy-tuloy iyong tumulo. Sinusubukan ni Angelu na magbasa ng ilang comments nang makita niya ang copy/pasted na confession. May kasama pang link. Si Wena agad ang naisip niya na may kagagawan niyon. “Bakit mo ginawa iyon?” panunumbat pa niya. God! Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig noong mabasa niya ang isang hate comment na may kaakibat na link. “Sorry. Nabubwisit na kasi ako na halos sambahin ng mga tao ang putang*nang litrato na iyon ni Nick. Eh, tarantado naman talaga iyon. I was there, remember? Nandoon

