bc

When the Billionaire Fell In Love with the Fairy

book_age18+
4.3K
FOLLOW
25.8K
READ
billionaire
possessive
arrogant
manipulative
fairy
sweet
magical world
another world
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Yria ay isang Fairy na walang ginawa kundi ang gumawa ng problema sa paraiso ng mga Wings Fairy.

Kaya naman ay binigyan  siya ng kanilang Guardian Fairy ng isang tungkulin na hindi niya maaaring tanggihan. Ang tungkuling iyon ay gabayan at baguhin ang nagngangalang Hermes John Alejandro. 

Kapag hindi niya ito ginawa ay tuluyan na siyang mapapatalsik sa Wings Fairy at mawawala ang pinaka iingatan niyang pakpak na siyang pinakamaganda sa lahat ng Fairy.

Lahat naman ng Fairy sa paraiso nila ay binibigyan ng tungkulin. Ngunit kakaiba ang sa kanya dahil kailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong tao na unang beses pa lamang niyang gagawin at hindi katulad ng mga kasama niya na nananatiling Fairy lamang.

Wala siyang ideya kung sino ang lalaking pinagkatiwala sa kan'ya ng Guardian Fairy dahil basta na lamang siya pinatapon sa mundo ng mga tao na walang sinabi kung paano makikilala ang gagabayan niya. 

Nang makaharap na niya si Hermes ay hiniling niya sa Guardian Fairy na kung maaari sana ay iba na lang ang ibigay sa kan'ya para gabayan. 

Kung si Yria ay matigas ang ulo at walang pakialam sa iba ay mas triple pa ang ugali ni Hermes. Bukod sa masama ang ugali nito ay bulag pa ito na palagi naman na  dinadahilan ang kapansanan nito.

Ngunit tila yata magugulo ang tahimik niyang puso dahil sa may kakatwa siyang nararamdaman sa bawat araw na kasama niya ang binata.  

May lugar ba ang Fairy na tulad ni Yria sa mundo ni Hermes o ang tungkulin lamang ang dapat gampanan? 

May pag-asa ba na ang isang Fairy at ang tao ay mamuhay na magkasama o tatanggapin na lamang ang katotohanan na walang puwang ang tulad niyang Fairy sa mundong ginagalawan ni Hermes?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
PROLOGO Hermes's POV Walang pagsidlan sa tuwa ang aking naramdaman ng lumabas sa bibig nito ang mga katagang iyon. Hindi ako lubos na makapaniwala na ang matagal ko ng inaasam ay matutupad na sa wakas. "What did you just say, honey?" tanong ko. Gusto ko ulitin nito ang sinabi nito. Gusto ko marinig iyon muli. "I'm four weeks pregnant, Hermes," nakangiti nitong turan. Malawak din ang pagkakangiti nito. Alam ko na sabik na sabik din ito magkaroon ng supling. Nang marinig ko iyong muli ay nag sisigaw ako. Gusto ko ipaalam sa mga tao na nandoon na magiging ama na ako. Kasalukuyan kaming nasa mall dahil niyaya nito akong mamasyal. Nagtataka din ako dahil sa department kami ng mga infants pumunta. Iyon pala ay nagdadalang tao na ito. "Hermes, ano ka ba? Nakakahiya, maraming tao dito," pigil nito sa akin. Pero wala na akong pakialam dahil sobra sobra ang saya na nararamdaman ko. Pagkatapos ko sumigaw ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa. "I love you, Yssa. I love you so much," hinalikan ko siya ng mabilis at niyakap muli. Dahil unang beses ko maging ama ay pinasya kong umuwi na dahil ayoko siyang mapuyat at mapagod. Ayoko sanang mawalay sa kanya ngunit hindi ko pa siya maaaring itira sa aking bahay dahil hindi pa kami kasal. Alam kong nabali ang sinumpaan ko sa magulang nito na kasal muna bago ang pakikipagpulot-gata pero dahil alam ko naman na mahal ko ito at handa ko itong panagutan kung may mabuo man sa sinapupunan nito ay hindi ko napigilan ang sariling angkinin ito. Isang beses lamang iyon ngunit agad iyong nagbunga. Dahil din sa nalaman ko ay napagpasyahan ko na hindi matatapos ang buwan na ito na hindi ko siya niyayayang magpakasal. Mahal na mahal ko si Yssa. Ipinangako ko sa sarili na siya lang ang babae na mamahalin ko hanggat nabubuhay ako. "Honey, anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" tanong ko sa kan'ya habang tinatahak namin ang daan pauwi. "Kung lalaki ang magiging baby natin, gusto ko ipangalan sa kan'ya ay Herjohn. Kinuha ko sa pangalan na Hermes John," Lumawak ang pagkakangiti ko. That's why I love her so much. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal din niya ako. "Paano kung babae?" tanong kong muli. "Hershey," mabilis nitong sagot. Tumawa ako dahil mukang pinag-isipan na nito ang pangalan ng magiging baby namin. Pinagsalikop ko ang kamay namin at inilapit ko iyon sa aking bibig. Dinampian ko ng halik ang likod ng kamay nito. "I love you, Yssa," sambit ko habang nakatuon ang aking paningin sa daan. "I love you too, Hermes John Alejandro," tugon nito. Napangiti ako sa pagbanggit nito sa buo kong pangalan. Para iyong musika sa aking pandinig kapag ito ang bumabanggit sa aking pangalan. Ipinangako ko din sa aking sarili na bubuo ako ng isang masayang pamilya kasama ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaan na malungkot, umiyak at masaktan ito. Gagawin ko siyang reyna ng aking palasyo. Gagawa kami ng mga masasayang alaala. "Honey, dalawin natin si lola bukas," saad nito. "Sure," sagot ko. Ang Lola nito ay dalawang taon ng namayapa. Ang Lola din nito ang takbuhan sa tuwing may tampuhan kaming dalawa. Kaya labis itong nalungkot ng mawala ang itinuturing nitong pangalawang ina. Tumawa ako ng bahagya ng kinurot nito ako sa tagiliran. "What?" natatawa kong tanong. "Paano po kasi, kanina pa po kayo nakangiti," kinurot nito akong muli. "Stop it, Yssa, I'm driving." Pigil ko sa kan'ya. Hangga't maaari ay ayoko mawala sa konsentrasyon sa pagmamaneho dahil kasama ko siya. Tumigil naman ito. Ilang segundo ang katahimikan ang dumaan sa pagitan namin. Naramdaman ko na lang ang paghalik nito sa aking pisngi. Napangiti ako sa ginawa nito. Isa sa mga nagustuhan ko sa kan'ya. Napaka-sweet nitong babae. "Hermes?" "Hmm?" "Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay," sambit nito. Tumahip ang dibdib ko sa sinabi nito. Gusto ko siyang lingunin ngunit ayoko mawala ang tingin sa daan. Minabuti ko na lamang ihinto ang sasakyan para harapin ito ngunit hindi ko iyon magawa. Kahit anong apak ko sa brake ng sasakyan ay hindi iyon gumagana. "f**k!" bulalas ko. "Anong nangyayari?" nag-aalala na tanong nito. Hanggat maaari ayoko siyang pag-isipin lalo pa at buntis ito. Ngunit kailangan din nitong maging handa sa posibleng mangyari. "Kumapit ka ng mabuti, Yssa. Nawalan tayo ng preno!" "Ano?!" hindi nito makapaniwalang wika. Naghahanap ako ng poste o kahit malaking puno na maaari kong ibangga ang sasakyan para mapahinto iyon ngunit wala akong makita. Dalangin ko na sana ay walang masamang mangyari sa mag-ina ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito habang ang isang kamay ko ay nanatiling nakahawak sa manibela. Gusto ko iparating dito na magiging maayos lang ang lahat. Mabilis akong sumulyap at ngumiti sa kan'ya. Nabanaag ko ang takot sa mukha nito. Muli kong itinuon ang aking paningin sa daan ngunit huli na ng masilaw ako sa ilaw na nagmumula sa paparating na sasakyan. "Hermessss!" tanging narinig kong sambit nito at tuluyan na kaming nagpaikot-ikot sa kalsada lulan ng aking sasakyan. Hindi ko binitawan ang kamay nito. Gusto ko siyang yakapin para katawan ko na lang ang maging pananggalang nito ngunit hindi ko iyon magawa dahil pareho kaming naka-seatbelt. Tumilansik ang salamin sa harapan ng aking sasakyan at mukha ko ang sumalo niyon. Napapikit ako kasabay ng pagbitaw ng isang kamay ko sa manibela at ginawa kong panangga ang aking braso sa aking mukha. Tumigil sa pag-ikot ang sasakyan. Naramdaman ko na lang ang pagsakit ng aking mga mata. Tila may kung anong naglalandas na mainit na likido doon. Para akong binalot ng madilim na ulap. Nabitawan ko din ang kamay ni Yssa. Pilit kong hinagilap ang kamay nito ngunit hindi ko iyon mahagilap. Gumapang ako dahil natanggal ang seatbelt sa katawan ko. Kahit wala akong makita ay pinilit kong kumilos ngunit nararamdaman ko ang pagkirot ng aking mata kasabay niyon ang masakit na nagmumula sa aking katawan. "H-honey? Where are you?" tawag ko sa kan'ya. Hinintay ko siyang sumagot ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kan'ya. "H-honey, a-answer me, p-plese…" gumagaralgal ang boses ko. Binalot ako ng takot dahil ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa din akong narinig na sagot. "Tumawag ka na ng ambulansya, pare!" dinig kong wika ng isang lalaki. "Ito na nga, sandali at natataranta na ako!" saad naman ng isa. "H-help us, p-please. T-tulungan n'yo ang girlfriend ko," pakiusap ko. "Boss, sandali lang ha, hindi namin kayo pwedeng galawin. Hintayin na lang natin ang ambulansya. Sila na ang bahala sa inyo." Paliwanag nito. "W-where is she? Where's my girlfriend?" tanong ko. Gusto ko masiguro na maayos ang lagay ni Yssa. "Sandali boss, pupulsuhan ko lang," sandali itong tumahimik. Hinintay ko ang sasabihin nito. "Putcha! Pare, ano wala pa ba?!" Muli kong narinig ang boses nito. "H-How is she?" tanong kong muli. "B-Boss, hindi ako sigurado pero wala na akong mahagilap na pulso ng girlfriend mo." "No! That's not true!" hindi ko makapaniwalang sigaw sa lalaki. Muli kong hinagilap ang kamay nito. "H-Honey, p-please, don't do this to me. We're having a baby, honey. Magpapakasal pa tayo." Hanggang sa naramdaman ko ang malambot nitong kamay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Marahan kong pinisil iyon. Hinintay kong ibalik nito sa akin ang pisil na iyon ngunit segundo na ang nakalipas ay walang bumabalik sa kamay ko. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng aking luha kahit masakit ang aking mga mata. "I-I can't lose you, Yssa. S-Sasama ako sa'yo…" tanging nasambit ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng karimlan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook