KABANATA 2

2554 Words
KABANATA 2-ANG PAGTATAGPO Yria's POV Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa aking mata. Marahan kong iminulat ang aking mata. Tanging puting tela ang nakikita ko na nakapalibot sa aking hinihigaan. Nasaan ako naroroon? May mga naririnig akong nagsasalita. Nasa mundo na kaya ako ng mga tao? Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng maalala ko ang mga Guardian Fairy. Hindi nila sinabi sa akin kung paano ko makikilala ang taga lupa. "Paano ko sila makakausap?" bulong ko. Pumasok sa isip ko ang ginagawa namin ng kapwa ko fairy sa aming paraiso. Iisipin lang namin kung sino ang gusto namin makausap at makakausap na namin ang mga ito. Pumikit ako at inisip ko isa sa mga Guardian Fairy. Dahil si Inang Yesha ang tagapangalaga sa aming mga fairy at ang madalas namin kasama ay siya ang pumasok sa aking isipan. Inayos ko ang konsentrasyon para makausap ko siya ngunit ilang segundo na akong nakapikit ay hindi ko pa nakakausap si Inang Yesha. Hindi yata iyon gumagana dito sa lupa. "Miss, okay ka lang?" tanong ng isang boses lalaki. Nang marinig ko iyon ay agad kong iminulat ang aking mga mata. "Yria ang pangalan ko at hindi Miss," sambit ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-awang ng bibig nito. Pinasadahan ko ito ng tingin. Puti ang suot nito at may nakalagay na kung ano sa leeg nito. Nagsalubong ang kilay ko ng ngumiti ito. "Bukod sa maganda ka, magaling ka pa magbiro," saad nito. "Kumusta na s'ya, doc?" tanong ng isang lalaking lumapit sa amin. "Mukhang maayos na ang lagay niya dahil nakakapagbiro na ang magandang binibini na ito," sambit ng lalaking nakaputi. Tinitigan muna niya ako bago nito tinapik sa balikat ang lalaking lumapit sa amin at saka tumalikod at umalis. "Miss, saan ka nakatira?" tanong nito. "Yria ang pangalan ko hindi Miss," ulit kong muli sa lalaking kaharap. Bakit ba Miss ang tawag nila sa akin? Hindi pa nga ako nagpapakilala miss na ang tinatawag nila sa akin. "O, sige, Yria. Saan ka nakatira? Ihahatid na kita sa inyo dahil sabi ng doktor na tumingin sa iyo ay maayos ka naman o kaya tawagan natin ang mga kamag-anak mo," sabi nito na bakas ang pag-aalala sa mukha. Napaisip ako sa mga sinabi nito. Nasa lupa na ako kaya bago sa aking pandinig ang mga binibitawan nitong salita. Bakit kasi pinatapon ako kaagad dito samantalang wala pa akong alam kung paano mamuhay dito sa lupa? Hindi ko din kilala ang Hermes na taga lupa. Paano ko siya magagabayan kung wala man lang akong ka-ide-ideya kung sino si Hermes John Alejandro. May narinig akong tumunog. Mabilis na kumilos ang lalaki at may kung anong bagay na kinuha ito mula sa suot nito. Nakita ko kung paano napuno ng takot ang mukha nito ng makita ang hawak na bagay. May bumabalot kaya na masamang espiritu sa hawak nito? "H-hello, sir? Opo, gising na po s'ya… parang wala pa po s'ya sa sarili sir," tumingin ito sa akin at alanganin ngumiti. "S-sige po, sir. Lalabas po ako kaagad kapag natawagan ko na ang kamag-anak niya." Pinindot nito ang bagay na hawak. May sira ba ang taong ito? Kinakausap ang sarili gamit ang hawak nito na bagay. Kapagkuway bumaling muli sa akin. "Miss, este, Yria. Kailangan kong malaman kung saan ka nakatira dahil ang boss ko kanina pa umuusok ang ilong. Kung ayaw mo magpahatid sa inyo ay tatawagan na lang natin ang kamag-anak mo." Paliwanag nito ngunit hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at inilibot ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan ako. "Nasaan ako?" tanong ko habang iniikot ang paningin sa lugar. "Nandito ka sa ospital. Nahimatay ka kasi kanina sa daan kaya dinala ka namin dito," saad nito. Tumango-tango ako saka ko muli siya hinarap. "Maaari ba magtanong?" "Sige, ano 'yon?" "Anong ospital?" Nagkamot ito sa ulo at alanganin muling ngumiti sa akin. "Yria, maupo ka muna at tatawagin ko lang ang doktor," sambit nito. Pagkatapos nito iyon sabihin ay umalis ito sandali at pagbalik ay kasama na ang lalaking kanina lang ay kausap namin. "Wala naman akong nakikitang problema sa kan'ya. Marahil siguro dala lang ng pagkahilo niya kaya parang wala pa siya sa sarili." Nakangiti nitong turan na nakatingin sa akin. Ganito ba tumingin ang mga tao, mapanuri? "Nahihilo ka pa ba, Miss?" tanong nito. Kung maaari ko lang gamitin ang kakayahan ko ay itatatak ko sa utak nito na Yria ang pangalan ko. Ngunit mahigpit na ipinagbilin na bawal ko gamitin iyon dito sa lupa. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pasimpleng pagsiko ng katabi nito sa tagiliran. "Yria ang pangalan n'ya doc," natatawang wika ng lalaki. Tumawa naman ng marahan ang lalaking nakaputi. "She's a good joker. Anyway, she's fine. Pwede na s'ya umuwi." "Hindi pa ako maaaring umuwi, may dapat pa akong gawin dito." "Naglayas ka sa inyo?" tanong ng lalaking nakaputi. Bumaba ang tingin nito sa aking paanan. "Yeah, i think. Nagmamadali ka sigurong umalis sa inyo at hindi mo na nagawang magsuot ng sapatos." "Wala ka bang kamag-anak dito sa maynila?" tanong naman ng isang lalaki. Kamag-anak? Ano ang ibig sabihin niyon? Mukang marami akong dapat matutunan sa mundong ito. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatitig sa lalaking nakaputi. "I guess, wala kang kamag-anak. Okay, sige, ganito na lang, if you want sa ba--" "Gaston, what took you so long?!" Sabay sabay kaming napalingon sa malaking boses na nagsalita. "Ah, sir, kinakausap pa po kasi namin. Wala siyang kakilala dito sa maynila," paliwanag ng lalaking tinawag na Gaston. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking bagong dating. Matangkad ito at may kalakihan ang katawan base na din sa nakikita ko sa katawan nito. Maliit ang mata nito na may kasingkitan at malalago ang kilay. Ang ilong ay may katulisan. Ang labi na mariing nakalapat na hindi yata biniyayaan ng ngiti sa labi. Napakaseryoso ng mukha nito. Parang mahirap ito lapitan. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong mahaba na nakalapat sa tinatapakan nito. "Let's go home," maawtoridad nitong wika. "S-Sir paano po siya?" "Nadala na natin siya dito sa ospital, hindi na natin responsibilidad na alalahanin pa siya." Sabi nito saka tumalikod. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Kaya hindi ko gusto ang mga taga lupa dahil masama ang mga ugali nito. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Pakiwari ko ay ang hawak nitong baston na mahaba ay ang nagsisilbing mata nito. Base na din sa pagkapa-kapa nito sa bawat madaanan na padir. "Siya ba ang boss mo?" tanong ng lalaking nakaputi. "Opo, doc," sagot nito. "He's familiar," "Ah…kasi po, siya po si Hermes John Alejandro," Awtomatikong lumipat ang tingin ko sa kaharap na lalaki. Tama ba ang narinig ko? Agad akong tumayo at sinundan ko ang lalaking mabagal lang maglakad. Palabas pa lang ito ng pintuan. "Miss, where are you going?" pigil sa akin ng lalaking nakaputi. Nakita kong sumunod ang isa pang lalaki. "Sasama ako sa kan'ya," saad ko. "What? Kilala mo ba s'ya?" "Sa pangalan kilala ko s'ya," tugon ko. "Madami talaga nakakakilala sa kan'ya," sabi naman ng lalaking sumunod. "Gaston?" tawag nito sa lalaking kausap namin ng nakaputi na lalaki. "S-Sir, nandito po ako nakasunod," sagot nito. Humarap ito at bahagyang lumapit sa amin. Ngayon alam ko na kung para saan ang baston na hawak nito. Bulag ang taga lupang ito. "You, stop following me!" maawtoridad nitong wika. Nagulat ako ng mabilis nitong tinaas ang hawak na baston at tinapat iyon sa akin. Maging ang mga katabi ko ay natigilan sa ginawa nito. "Sir, nakakakita na kayo?" nagtatakang tanong ni Gaston. "No! I just smell her…" hinintay ko siyang magpatuloy. Bahagyang lumapit ang dalawa at pasimpleng suminghot ang mga ito. "Wala naman amoy si Miss Yria, sir," saad nito. "Yeah," segunda naman ng lalaking nakaputi. "Whatever, let's go home," binaba na nito ang baston at muling tumalikod. Muli akong humakbang at sumunod sa kan'ya ng magsimula na siyang maglakad. Hindi ko hahayaang makaalis ito na hindi ako kasama dahil wala akong ideya kung saan ito nakatira. Kung may pakpak ako ay hindi mahirap para sa akin na hanapin ito. Kung maaari ko din sana gamitin ang kakayahan ko ay madali din na mahanap ko ang taga lupang ito. Sumunod din ang dalawa sa akin. Ngunit tumigil ako kalaunan. Nagtataka ko tiningnan ang lalaking nakaputi. "Bakit ka sumusunod?" takang tanong ko sa lalaki. Napakamot ito sa ulo at alanganing ngumiti sa akin. "Sorry, i just want to offer if you want to stay at my place?" mahina nitong wika na hindi nakatingin sa akin. Napaisip ako sa sinabi nito. Maaari din nito akong matulungan. "Maaari ba?" tanong ko. "Yeah, of cou--" "No! She will stay at may place!" Sabay sabay kami napalingon ng magsalita ang taga lupa. Lihim akong nagdiwang dahil hindi na ako mahihirapan na makasama ito. "Let's go," sambit nito at muling tumalikod. "Maswerte ka Yria, mabilis nagbago ang isip ni boss," may kakaiba sa ngiti nito ng sinabi nito iyon. "Halika na, baka magbago na naman ang isip niya." Yaya nito sa akin at sumunod na sa taga lupa. Sinulyapan ko ang lalaking nakaputi. Madilim ang mukha nito ng sulyapan ko. Matalim ang titig nito sa lalaking papalayo. "He's a f*****g jerk," saad nito. Kung ano man ang ibig sabihin niyon ay tila galit ito sa taga lupang iyon. Humarap siya sa akin at ang madilim na mukha nito ay umaliwalas at sumilay ang ngiti sa labi nito. "I'm Val. Kapag hindi maganda ang trato sa'yo ng lalaking iyon ay maaari mo akong puntahan dito sa ospital," sabi nito at may kinuha sa bulsa ng puting damit. Inabot nito iyon sa akin. "Here, that's my calling card. Tawagan mo ako agad kapag may ginawa siya sa'yo." Patuloy nito at tiningnan ako paibaba. Yumukod ito at tinanggal ang suot nito sa paa at sinuot iyon sa aking paa. "Napakabuti mo, buong akala ko masasama ang mga taga lupa. May mga katulad mo din pala na may ginintuang puso. Maraming salamat sa iyong kabutihan, taga lupa." Mahina itong tumawa. "You know what, kakaiba ka. That's why hindi ako nag-atubili na tulungan ka. Sana magkita pa tayong muli, Yria." sambit nito. "Yria, halika na. Doc, aalis na kami." Hindi ko na nagawang lingunin pa si Val. Mabilis kaming naglakad patungo sa mga bagay na nakikita ko. Base sa mga kwento ng mga kapwa ko fairy na kapag may misyon sila sa lupa ay madalas nilang mabanggit sa akin ang mga nakikita nila dito sa lupa. Ang mga sinasakyan ng tao. Ito marahil iyon. Ngunit hindi ko pa alam ang tawag dito. Pinaupo ako ng lalaki sa harap. Habang nasa likod naman si Hermes na taga lupa. Napakaseryoso nito. Wala akong makitang emosyon sa mukha nito. Ilang oras ang binagtas namin sa daan bago namin narating ang marahil ay tirahan nito. Malaki iyon at kakaiba. Natuwa naman ako dahil tumambad sa aking mga mata ang mga naggagandahang halaman at bulaklak. Wala niyon sa aming paraiso dahil mga ligaw na bulaklak ang tanging makikita doon. Nanatili pa din akong nakaupo dahil hindi ko alam buksan ang pintuan ng sasakyan nila. Nagulat ako ng bumukas iyon at nagtatakang tiningnan ako ng nagngangalang Gaston. Bumaba ako at sumunod sa kan'ya. Si Hermes na taga lupa ay hindi ko na napansin. Abala kasi ako sa pamamasyal ng aking paningin sa kabuuan ng tirahan ng taga lupa. Malaki ang loob niyon. Maraming kagamitan ang nasa loob at hindi ko alam ang tawag sa mga iyon. May lumapit sa akin na kapwa ko babae. Nakangiti ito ng sulyapan ko. "Sasamahan kita sa study room ni Sir Hermes, kakausapin ka daw niya," sabi nito at nagsimula ng maglakad. Sumunod lamang ako sa kan'ya. Pumasok kami sa isang pintuan. Namangha ako sa aking nakita. Sa aming paraiso ay ito ang madalas kong gawin kapag nagpapalipas ako ng oras. Ang magbasa ng libro. Gusto ko basahin ang mga libro na nasa loob. "You may leave us, Trudis," anang baritonong boses. Mabilis na lumabas ang tinawag nitong Trudis. Sinulyapan ko ang lalaking nagsalita. Printe itong nakaupo sa upuan. "Ikaw ba talaga si Hermes John Alejandro?" tanong ko. Gusto kong masiguro na ito nga ang taga lupang dapat kong gabayan. "Ako nga, sino ka at bakit mo ako sinusundan?" tanong nito. "Ako si Yria, kinagagalak kitang makilala Hermes na taga lupa," sambit ko. Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit, taga langit ka ba at taga lupa ang tawag mo sa akin?" sarkastikong tanong nito. Hindi ko na nakuha ang ibig nitong sabihin kaya minabuti ko na lamang ang manahimik. "Anyway, sinabi sa akin ni Gaston na wala kang matitirhan dito sa maynila. You can stay here, pero kailangan mong pagtrabahuhan ang pagtira mo dito sa bahay ko," sambit nito. May kung anong kinuha ito mula sa ilalim at tumayo. Napaatras ako ng naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko. Akala ko ba hindi nakakakita ang taga lupang ito?Paanong nalalaman nito kung nasaan ako naroroon? Huminto ito sa aking harapan. Tinitigan ko siya. Kahit hindi siya nakakakita ay pakiwari ko ay nakatingin siya sa akin. "What's your perfume?" tanong nito. Hindi ako nakapagsalita sa tinuran nito. Anong perfume? Hindi ko alam iyon. "Are you deaf?" "Hindi ako gumagamit niyon," saad ko. Nagulat pa ako ng lumabas iyon sa aking bibig. Kumunot ang noo nito. Tila ba ay hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. Muli siyang humakbang palapit sa akin. Parang sumisikip ang espasyo sa pagitan namin ng taga lupang ito. "Huwag kang lalapit, Hermes John Alejandro!" sambit ko sa buong pangalan nito. Maging ako ay nagtataka dahil nagawa kong banggitin ang buong pangalan nito. Natigilan naman ito ng sinabi ko iyon. Hindi ko na yata maipaliwanag ang emosyon nito. "What did you just say?" tanong nito sa mababang tono. "Ano iyon?" "f**k! I said what did you just say?!" tumaas na ang boses nito na ikinagulat ko. "Huwag kang lalapit taga lupa," sambit ko. Napasabunot ito sa buhok at tumalikod. Kinapa nito ang upuan. Muli itong naupo doon. "Don't say my whole name again," maawtoridad nitong wika. "Anong itatawag ko sa'yo taga lupa?" "Dammit! Stop calling me taga lupa. Saang planeta ka ba galing?!" Dumagundong yata ang boses nito sa loob ng silid na kinaroroonan namin. "Ganyan ka ba talaga kumausap ng kapwa mo tao, ang sigawan ang kausap mo?" Tanging nasambit ko. Hindi ko lubos akalain na ang taong ito ang gagabayan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako magtatagal sa mundong ito. "I don't need your opinion. Get out!" sigaw nito sa akin. Napailing na lamang ako sa inasal nito. Wala akong nagawa kun'di ang lumabas ng silid. Kailangan ko gumawa ng paraan para makausap ko isa man sa mga Guardian Fairy. Hihilingin ko na iba na lang ang maaari kong gabayan. Nang lumabas ako sa silid ay nakita kong nakaabang ang nagngangalang Trudis sa labas ng pinto. Alanganin itong ngumiti sa akin. "Masasanay ka din. May pinagdadaanan lang si Sir Hermes kaya mainitin ang ulo niya. Pero mabait naman siya." Paliwanag nito. "May pinagdadaanan?" "Oo, naging mainitin ang ulo niya simula ng…" tumigil ito sa pagsasalita. Ngumiti ito kalaunan. "Hindi ko na pala dapat sabihin iyon. Mapapagalitan ako. Halika na sa tulugan natin." Pagkatapos nito iyon sabihin ay tumalikod na siya sa akin. Sumunod ako sa kan'ya ngunit natigilan ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin na malakas ang t***k ng puso ko. Pero, bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD