KABANATA 12-SERYOSONG USAPAN
Yria's POV
Ngayong ako nagsisi kung bakit pa ako sumagot kanina. Ilang segundo na akong nakatayo sa pintuan ng kan'yang study room.
Pagkatapos ng huli naming pag-uusap ay kinausap ako Manang Nora tungkol kay Hermes.
Ang sabi nito ay initindihin ko na lamang ang ugali ni Hermes. Mas mahirap ang dinadanas nito dahil sa araw-araw na pag-gising nito ay dilim ang makikita.
Mabait naman daw si Herems. May pagkakataon lang talaga na mainitin ang ulo nito kaya ako na lamang daw ang umintindi.
Ngayon nga ay ako na ang nagpresinta na magdala ng pagkain nito. Siguro nga ay hindi din maganda ang inasal ko sa harap nito. Gusto ko nga samapalin ang sarili para matauhan ako sa mga pinaggagawa ko.
Napagisip-isip ko din na hindi ko mahihiling sa mga Guardian Fairy na bigyan ako ng Inang gagabayan dahil minsan ko ng pinakiusap iyon pero hindi ako pinahintulutan ni Inang Yesha.
Nagpadala ito ng pagkain sa study room nito. Dito daw nito nais mag-tanghalian.
Nilakihan ko ang awang ng pintuan dahil bahagya iyong nakabukas.
Nakita ko siyang nakaupo sa Sofa at nakasandal ang ulo nito doon.
Lumapit ako sa kan'ya. Para na namang may humaplos sa aking puso ng makita ko itong nakapikit. Natutulog ba siya.
Hinayaan ko siyang nakapikit at marahan kong inilapag ang pagkain nito sa lamesita.
"Stay," sabi nito na nagpatigil sa akin sa paghakbang.
Sinulyapan ko siyang muli. Nanatili pa din nakapikit ang mata nito. Dahil pinaintindi sa akin ni Manang Nora na dapat ko unawain ang ugali nito ay hindi na ako nagsalita at naupo na lamang ako sa sofa hindi kalayuan sa kan'ya.
Narinig ko ang buntung hininga nito.
"Pasensya na nga pala sa inasal ko kanina." Panimula ko at sinulyapan ko siya.
"It's okay, I know na magbibitaw ka ng mga ganoong salita. Nasanay na ako sa'yo." Tumawa ito ng mahina.
Napangiti ako dahil nakita ko na naman itong tumawa.
"Kumain ka na ba?"
"Oo,"
Kinapa nito ang kutsara at tinidor. Nagsimula itong magsalin ng sabaw ng tinola sa pinggan nito ngunit may natatapon doon. Kaya naman ay hindi ako nakatiis. Lumapit ako sa kan'ya at kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at ako na ang naglagay ng sabaw sa kanin nito.
"Thanks," sambit nito.
Pinanuod kong kumain ito. Bawat subo at pagnguya nito sa pagkain ay tila maganda sa aking paningin.
Mas maganda sana kung nakakakita siya. Gusto ko malaman kung paano siya nabulag. Kung paanong ang isang Hermes John Alejandro ay nag-iba ang ugali.
"Stop staring at me, Yria."
Napalis ang ngiti ko sa tinuran nito. Ang lakas talaga ng pakiramdam nito.
Dahil sa pagkakatitig ko sa kan'ya ay hindi ko napansin na tapos na pala ito kumain.
Inabot ko sa kan'ya ang baso na may lamang tubig.
"Paano ka nabulag?" Hindi ko napigilang sabihin.
Natigilan ito sa pag-inom ng tubig at pagkatapos ay nilapag iyon sa lamesita.
Narinig kong muli ang buntong hininga nito.
"Why do you ask?"
"Gusto ko lang malaman. Wala naman problema kung hindi mo sasabihin. Hindi kita pipilitin."
"Naaksidente ako...n-nawalan ng preno ang kotseng minamaneho ko." Habang sinasabi nito iyon ay tila may lungkot sa boses nito.
"Maaari pa ba akong magtanong?" Gusto ko samantalahin habang malamig pa ang ulo nito. Baka mamaya ay magbago na naman ang ihip ng hangin at bumalik na naman ito sa pagiging halimaw.
"Sure,"
"Gusto mo na ba makakita?"
Tumawa ito ng mahina.
"Noon, hindi ko na hiniling na makakita pa ako. Lahat ng mga nakakakilala sa akin ay palagi nilang sinasabi na magpa-opera na ako. Palagi nila akong hinihikayat. Pero hindi ko sila pinapansin. Para saan pa ang pagpapa-opera ko kung hindi ko naman na s'ya ma-makikita." Pumiyok ang boses nito sa huling sinabi.
Nakaramdam ako ng awa sa taga lupang ito. May dahilan ang lahat. Ngayon alam ko na kung bakit pasan nito ang mundo.
Kahit hindi nito sabihin ay alam ko na kung para kanino ito nabubuhay at nagiging masaya noon.
"Pero hindi ko akalain na magbabago pala ang pananaw ko. Hindi ko akalain na magbabago pa ang isip ko." Patuloy nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Naguluhan ako sa sinabi nito.
Binaling niya ang tingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
Para namang bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa nito kaya naman ay napahawak ako sa aking dibdib. Lalo akong naguluhan sa mga kakatwang nangyayari sa akin. Hindi ko ito nararamdaman sa Wings Fairy. Puro lamang ako kasiyahan doon.
"B-Bakit?"
"Because it changed when I met someone na wala yata kinatatakutan kahit mataas na tao pa ang kaharap. Gusto ko s'yang makita at makilala ng lubusan. She's different from others."
Napaawang ang bibig ko. Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy niya?
"P-pero bakit?" Gusto ko malinawan.
Nagkibit-balikat ito.
"I don't know. I just want to meet her in person and see her with my own eyes."
Iyon ba ang epekto ng ginawa ko sa kan'ya nung party? Ang tuluyan na siyang makakita?
"Yria!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Si Trudis iyon na humahangos. Naghahabol ito ng hininga ng sulyapan ko.
Tumayo ako at nilapitan ko siya.
"Bakit, Trudis?" Nag-aalala kong tanong sa kan'ya.
"May tumatawag sa'yo," sabi nito na habang taas baba ang dibdib.
"Sa akin? Sino?" Taka kong tanong at tinuro ko pa ang sarili.
Inabot sa akin nito ang hawak nito.
Taka ko siyang tiningnan.
Kinuha ko ang hawak nito at tinitigan iyon. Ngunit ilang segundo na akong nakatingin doon ay wala naman akong makita.
"Anong ginagawa mo, Yria?"
"Sabi mo may tumatawag sa akin, hinihintay kong magsalita ito. Pero hindi ko marinig ang pangalan ko." Paliwanag ko.
Natampal nito ang noo.
"Panginoon ko, Yria. Akin na nga, mamaya tuturuan kita kung paano ito gamitin." Natatawang sabi ni Trudis.
May pinindot ito na kulay berde at pagkatapos at tinapat iyon sa aking tenga.
"Hello? Yria, is that you?" anang boses.
Nanlaki ang mata ko. Nasisiraan na ba ako ng ulo? Ganito din si Gaston ng makita kong kausap ang sarili habang hawak ang katulad ng hawak ko.
"Trudis! May maligno iyan!" Agad kong binigay sa kan'ya ang hawak ko.
"Ano ka ba? Iyang hawak mo ay cellphone ang tawag. Iyan din yung binigay mo sa akin kanina. Tumunog kasi kaya sinilip ko. May tumatawag sa'yo. Sagutin mo na."
Sinunod ko naman ang sinabi nito.
"Ako nga si Yria. Sino ito?"
"Oh, hi! Finally you answered me. It's Val."
Nakahinga ako ng maluwag ng mabosesan ko si Val. Nawala sa isip ko ang sinabi nito na tatawag siya. Ito pala ang tinutukoy nito.
"Val, ikaw pala," sambit ko.
Napalingon kami ni Trudis ng may tumikhim. Si Hermes iyon na nakatayo na at tinungo ang isang upuan kung saan may mga papel na nakalagay.
Madilim na naman ang mukha nito at salubong ang kilay.
Sinulyapan ko si Trudis. Alanganin itong ngumiti sa akin.
"Yria, are you still there?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Ah, oo. Sandali lang Val, may gagawin lang ako."
"Oh, sorry. Sige, I call you later." Pinatay na nito ang tawag.
"Dapat kinausap mo na lang, ako na sana bahala dito." Mahinang wika ni Trudis.
"Ako na lang Trudis. Ako na lang siguro ang tatawag kay Val mamaya. Baka may ginagawa ka pa," saad ko at tinungo ko ang pinagkainan ni Hermes.
"Marunong ka ba tumawag?" Sabi ni Trudis na sumunod pala sa akin.
"Syempre, tuturuan mo ako." Natatawa kong turan sa kan'ya.
Nang matapos kong iligpit ang pinagkainan ni Hermes ay sinulyapan ko ito na seryoso ang mukha. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang pagbanggit sa pangalan ni Val. Unang una ay nakasagutan niya ito kanina lang.
Oo nga pala, kailangan ko pa itanong kay Trudis kung ano ang CCTV na pinagtatalunan ni Hermes at Val kanina lang.
"Sir Hermes, lalabas na po kami." Paalam ko sa kan'ya ngunit ilang segudo na ang nakalipas ay hindi pa din ito nagsasalita. Kaya minabuti na lang namin ni Trudis ang lumabas na ng study room nito.
Nang wala na kaming gagawin ay tinuruan ako ni Trudis gamitin ang cellphone na binigay sa akin ni Val. Madali ko naman iyon natutunan.
Tulad ni Manang Nora ay namangha din si Trudis dahil mabilis ko iyon natutunan.
Agad namin iyon ginamit. Kumuha kami ng litrato magkasama gamit ang cellphone. Maging si Manang Nora ay sinama namin at si Gaston. Nang magsawa ay saka ko naalalang tawagan si Val.
Kinumusta lamang ako nito. Nag-aalala ito dahil baka daw pinapahirapan ako ni Hermes.
Maalalahanin si Val. Natutuwa ako sa kan'ya dahil hindi siya tulad ni Hermes na masyadong seryoso.
Magiliw si Val. Mawawala ang problema ng kasama nito kapag ito ang kasama.
Nang magsawa kami sa aming ginagawa ay muli kong binalingan si Trudis na halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti.
Nagtataka ko siyang tinapunan ng tingin.
"Bakit gan'yan ang ngiti mo?"
"Wala, bakit masama ba ngumiti ng ganito?" Balik tanong niya sa akin.
Umismid ako.
Muli ko tiningnan ang mga kuha namin. Ito pala ang gamit nito. Nakalimutan ko nga palang magpasalamat kay Val. Siguro ay magti-text na lamang ako sa kan'ya.
Biglang may pumasok sa isip ko. Napangiti ako ng maisip ko iyon. Hindi naman niya makikita kapag ginawa ko iyon.
Nakaramdam ako ng excitement sa gagawin ko. Dahil nahihirapan ako pagmasdan siya ay magandang ideya nga ang naisip ko. Hindi na niya malalaman na tinititigan ko siya dahil sa picture na lamang niya ako nakatingin.
"Hoy! Kinikilig ka ano? Umamin ka nga. Iyan bang tumawag sa'yo ay yung lalaki doon sa party?" Tanong nito at kinurot pa ako sa tagiliran.
"Oo," tipid kong sagot.
"May gusto ka na sa kan'ya?"
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
Umiling-iling ito. Marahil nakuha na nito ang nais kong sabihin.
"Gusto, ibig sabihin nakakaramdam ka ng tuwa sa tuwing nakakausap mo siya. Iyon bang pakiramdam na gusto mo s'ya makita araw-araw. Palagi siya ang laman ng isip mo. Iyong kaunting ngiti at tawa lang niya ay masaya ka na. Ayaw mo siyang nakikitang malungkot. Gusto mo palagi siyang masaya. At higit sa lahat, iyong palaging malakas ang t***k nito kapag nakikita mo siya." Mahaba nitong litanya at tinuro ang tapat ng aking dibdib.
Tumaas-taas ang kilay ni Trudis at makahulugang ngumiti sa akin.
"All of the above ba?" Tanong nito.
Hindi ako nakasagot. Hindi si Val iyon. Natutuwa lamang ako kapag nakakausap siya dahil mabuti siyang tao at masayahin.
"Gusto na ba ang ibig sabihin niyon?" Tanong ko. Gusto ko makasiguro kung iyon nga ang tawag doon.
"Hindi lang basta sa gusto. Kun'di ay may nararamdaman ka sa taong iyon. Iyon bang pagmamahal na tinatawag."
Mahal? Gusto? Paano nangyari iyon sa ganitong kaiksing panahon?
Ipinilig ko ang aking ulo. Imposibleng mangyari iyon.
"Itigil mo nga 'yan Trudis. Porke ba hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo dapat ka na magsabi ng hindi totoo sa akin?"
Hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi ni Trudis. Hindi maaaring mangyari iyon. Hindi pwede.
"Hala! Walang mali sa sinabi ko Yria. Kahit kay Manang Nora mo pa itanong at kay Gaston ay pareho ang mga sagot namin."
Nagtakip ako ng tenga. Ayoko marinig ang sasabihin nito. Hindi totoo ang mga narinig ko. Hindi!
"Aminin mo man sa hindi, iyon ang totoo, Yria. Bakit hindi mo pa kasi aminin. Gusto mo s'ya ano?" Pilit ni Trudis.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Isa sa ayaw ko kay Trudis. Masyado itong makulit.
Tinungo ko ang kusina. Si Manang Nora na lang ang kakausapin ko.
"Manang,"
Nakaupo lamang ito doon at abala din sa pagtipa ng hawak nitong cellphone.
"O bakit, Yria?"
Pinag-iisipan ko pa kung itatanong ko sa kan'ya iyon. Paano kong pareho lang ang maging sagot nila?
"May itatanong lang sana ako,"
"Ano iyon, Yria?"
Nagbuga ako ng hangin.
"Ano po kasi...ano yung CCTV?" Bagkos ay lumabas sa bibig ko.
Natatakot ako sa maaaring isagot ni manang kapag tinanong ko iyon. Kaya minabuti ko na iba na lang ang itanong. Kailangan ko din naman malaman kong ano ang CCTV?
"Ah, iyon ba? Iyon yung nagmo-monitor ang bawat galaw mo sa isang lugar. Tulad sa mga tindahan, kalye at sa bahay."
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Naka-monitor ang bawat galaw? Ibig sabihin nakikita ang mga ginagawa namin?
"Eh, manang. Dito po sa bahay ni Sir Hermes ay may CCTV?" Gusto ko makasiguro. Kung hindi nakikita ni Hermes ay posibleng ngang mayroong ibang naka-monitor doon. Malalaman ni Hermes ang kakaiba kong ginagawa.
"Wala, matagal ng pinatanggal iyon ni Sir Hermes. Marahil siguro ay hindi naman niya makikita kaya tinanggal niya."
Nagbuga ako ng hangin. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Manang Nora. Mabuti naman kung ganoon. Dahil baka makita nito ang ginawa ko sa kwarto nito noong pinaayos niya iyon.
Kaya pala hindi iyon nagustuhan ni Val dahil makikita pala ang bawat galaw sa CCTV. Siguro ay iniisip nito ay dahil wala man lang kaming kalayaan gumalaw dahil sa may nakatingin sa bawat galaw namin.
Pero bakit sinabi ni Hermes kay Val na may CCTV sa bahay nito kung wala naman pala?