KABANATA 19-PAGDADALAWANG-ISIP
Yria's POV
Ilang araw ng tahimik ang bahay ni Hermes. Parang hindi ko din ito maramdaman sa loob ng bahay dahil kung hindi ito maghapon na nasa study room ay madalas itong lumalabas. Hindi ko alam kung saan ito pumupunta. Tanging si Gaston lang ang nakakasama nito kapag lumalabas.
Ngayon nga ay pinatawag niya kami dito sa study room niya na hindi ko na nga yata matandaan kung kailan ako huling pumasok dito.
Hinihintay namin siyang dumating dahil wala pa siya. Nasa kwarto pa siya ayon kay Gaston. Hindi ko naman maintindihan kung bakit kakaiba ang ngiti ni Gaston sa amin. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.
"Ano kaya ang sasabihin ni Sir Hermes? Ang huling pinatawag niya kami ay iyong dinala niya dito si Ma'am Yssa." Sabi ni Trudis.
Hindi ko maiwasan ang malungkot sa huli nitong sinabi. Hindi ko man alam kung sino sa buhay nito si Yssa ay pakiramdam ko naging malaking bahagi si Yssa sa buhay ni Hermes.
Nang biglang napasinghap si Trudis. Natawa ako ng bahagyang hinila ni Manang Nora ang buhok nito.
"Ang arte mong babae ka," biro ni Manang Nora kay Trudis.
"Manang, hindi kaya may ipakikilala si Sir Hermes sa atin na girlfriend niya? Oh no!" Sabi ni Trudis at may pag-aalalang tumingin sa akin.
Para namang may tumusok sa puso ko sa narinig mula rito. Dapat lang sigurong lumagay na sa tahimik na buhay si Hermes. Kailangan na nito ng kasama sa buhay.
"Tumigil ka nga. Kilala ko si Sir Hermes. Dapat matagal na niyang ipinakilala sa atin. Isa pa, hindi naman lumalabas si sir. Kailan lang siya lumabas. Tumigil ka d'yan, Trudis, ha." Sita ni Manang Nora kay Trudis.
"Paano pala kung si Ma'am Karla iyon, manang? Oh no!" Muling sumulyap sa akin si Trudis.
Bumuntong hininga ako.
Kung si Karla man ang babaeng makakasama ni Hermes ay sapat na sa akin iyon. Mabait na tao si Karla. Magiging masaya si Hermes kapag nagkatuluyan sila.
Kahit pala isipin ko ang ganoong bagay ay tila may bumabaon na punyal sa puso ko. Nasasaktan ako dahil hindi ko sila kayang palitan. Isa akong fairy at wala akong karapatan na magkaroon ng ugnayan sa mga tao.
Kahit pagbaliktarin man ang mundo, nandito lamang ako sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang misyon na kapag natapos ay lilisanin ang mundong aking kinatatayuan.
Hindi ko napigilan mapahawak sa aking dibdib. Ang isiping lilisanin ko ang mundo ni Hermes ay lubos na nagpapahirap sa akin.
"Yria," pukaw sa akin ni Gaston.
Sinulyapan ko siya at muli ko na naman nakita sa kan'ya ang pag-aalala.
Ngumiti siya sa akin.
"Masasanay ka din," bulong nito sa akin.
Hindi ko na nagawang magsalita ng pumasok na sa loob si Hermes. Seryoso ang mukha nito.
Hinintay kong may sumunod rito ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala ng pumasok sa loob ng study room nito.
Tahimik kaming hinihintay siyang magsalita. Tumikhim ito at nakapamulsang tumuwid ng tayo. Palagi talaga ako humahanga sa taglay nitong kagwapohan. Napakakisig din nito kahit sa anong suot.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Napawi naman iyon ng bahagya akong siniko ni Trudis at makahulugang ngumiti sa akin.
Sinimangutan ko lamang ito at muli kong itinuon ang atensyon sa gwapong lalaking nakaharap sa amin.
"Marahil ay nagtataka kayo at pinatawag ko kayong lahat," panimula nito. "Well, ahm...sa inyo ko lang ito sasabihin at kayo lang din ang makakaalam."
Nakatutok lamang ako sa kan'ya. Pakiramdam ko ako at siya lang ang nasa loob ng silid na ito. Bawat buka ng labi niya ay pinagmamasdan ko. Ang mapupulang labi nito na minsan ng nadampian ng labi ko.
"Ano po iyon sir?" tanong ni Manang Nora.
"Hindi ba at napapansin ninyong madalas wala ako dito sa bahay?"
"Opo," sabay na sagot ni manang at Trudis.
Nanatili lamang akong tahimik. Gusto ko lamang siyang titigan.
"Nagpatingin akong muli sa Ophthalmologist ko and…I decided na kailangan ko ng magpaopera sa mata." Sabi nito na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Sabay na napasinghap ang dalawang katabi ko habang si Gaston ay nanatiling nakangiti. Marahil iyon ang dahilan kung bakit lagi silang lumalabas ni Hermes.
"Talaga po sir?" Hindi makapaniwalang wika ni Trudis. Bakas sa boses nito ang kasiyahan.
Tumango lamang si Hermes bilang tugon. Salubong ang kilay nito at blangko ang ekspresyon ng mukha.
"Magandang balita iyan Sir Hermes. Alam na po ba ng mama ninyo?"
"Hindi pa. I want to surprise her. Kaya sana ay hindi muna makakalabas ang tungkol dito."
"Makakaasa po kayo sir." Sabay ulit na sagot ng dalawa.
"Eh, si Ma'am Karla po sir?" tanong naman ni Trudis. Minsan gusto ko gamitan ng powers si Trudis dahil walang tigil ang bibig nito. Gusto kong takpan ang bibig nito para maalis ang kakatanong. Sinasadya ba nito na saktan ako?
"What about her?"
"Alam din po ba niya na magpa-opera na kayo?"
"As I have said, kayo lang ang nakakaalam." Sagot nito.
Lihim akong nagdiwang dahil kami lang ang unang nakakaalam na magpa-opera na ito.
"Okay po." Pasimple akong siniko ni Trudis. "Ang swerte mo." Bulong nito sa akin.
Hindi ko naintindihan ang sinabi nito kaya pinagwalang bahala ko na lamang iyon.
"Iyon lang," pagtatapos nito.
Nauna ng lumabas si Gaston. Nagpaalam na din si Manang Nora na lalabas na kami. Sumunod ako sa dalawa dahil nauna na ang mga ito.
"Yria, stay," sambit nito na ikinahinto ko. Malapit na ako sa pinto.
Tumingin ako sa dalawang nauna sa akin na parehong makahulugan kung ngumiti. Nakikiusap ang tinging ipinukol ko sa kanila na h'wag nila akong iwan. Ngunit hindi ko yata maasahan ang dalawang ito dahil tinalikuran na nila ako.
Nagbuga ako ng hangin at pumihit ako paharap.
"May kailangan kayo sir?" tanong ko. Hanggat maaari ay dapat akong maging pormal sa harap niya.
"Nothing. I just want to ask kung bakit ang tahimik mo?" Sagot nito at humakbang papalapit sa akin.
Nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hindi ba ako maaaring manahimik lang?" Balik tanong ko sa kan'ya.
Napahinto ito sa paghakbang. Dinig ko ang buntong hininga nito.
"Hindi ka ba natutuwa at makakakita na ako?"
"Natutuwa,"
"Really, huh?" Muli itong humakbang papalapit sa akin.
Nang malapit na siya ay umatras ako. Ngunit nasa sulok na yata ako kaya hindi na ako nakagalaw ng makalapit siya sa akin. Hindi na naman ako makahinga lalo pa at kaunting espasyo na lang ang pagitan naming dalawa.
"M-may s-sasabin pa po k-kayo?" Namilipit na yata dila ko dahil hindi na tuwid ang pagbitaw ko ng salita.
Para namang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang ngiti sa mga labi nito. Sana araw-araw ko iyon muli masilayan.
"Pakiramdam ko sinabi ko na ito pero uulitin ko pa din." Hinawakan niya ang kamay ko at tinapat iyon sa dibdib nito.
"S-sir,"
"My heart says that I know you. Kaya sana kapag tinanggal ang benda sa mata ko ay ikaw ang una kong makikita."
"H-Hermes," tanging nasambit ko.
"I like the way you call my name, Yria. Hindi dahil sa pareho ang paraan ninyo ni Yssa ng pagbigkas ng pangalan ko. Pero ikaw ang nagbigkas, that's why I like it." Nakangiti nitong turan.
Mahihimatay na yata ako sa ngiting iyon.
Kinapa pa niya ang isang kamay ko. Dinala nito iyon sa pisngi nito. Nang dumantay ang palad ko sa pisngi niya ay pumikit ito.
"Mapagbibigyan mo ba ang kahilingan ko, Yria?" Tanong nito at saka minulat ang mata.
Noong huling sinabi nito iyon ay nawala ang alaala nito. Mauulit na naman ba iyon ngayon?
"S-susubukan ko," sabi ko at inalis ko na ang aking kamay sa pagkakahawak niya at sa dibdib nito. "Lalabas na ako, sir." Paalam ko sa kan'ya.
Bahagya itong lumayo sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito. Gusto ko siyang yakapin ngunit pinigilan ko lamang ang aking sarili. Hindi dapat ito magpatuloy. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko.
Hanggang sa dumating na nga ang araw ng operasyon ni Hermes. Tanging si manang at Trudis ang sumama kay Hermes sa ospital.
Gustuhin ko man sumama ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka ito na ang pinakamisyon ko. Ang makakita si Hermes.
Ang isiping malapit na matapos ang tungkulin ko ay sobrang nagpapahirap ng kalooban ko. Hindi ko lubos akalain na matatapos na ako at lilisanin ko na ang mundong ito. Ang mundo kung saan maiiwan ang puso ko.
Nakibalita na lamang ako kay manang at kay Trudis. Ang sabi nila ay naging matagumpay daw ang operasyon. Dalawa o tatlong araw pa bago matanggal ang benda sa mata ni Hermes.
Tutuparin ko ba ang kahilingan niya na ako ang una niyang makikita?
Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ako o hindi. Papahirapan ko lamang ang aking sarili. Natatakot ako na baka pagkatapos na makakita na si Hermes ay sunduin na ako ni Inang Tianna. Hindi man lang ba ako makakapagpaalam sa kan'ya?
Dalawang araw na ang nakalilipas ay hindi pa ako dumadalaw sa ospital kung saan nandoon si Hermes.
Si Manang Nora at Trudis naman ay maya't-maya ang tawag sa akin. Kapag umuuwi naman sila sa bahay ay pinipilit nila akong isama dahil hinahanap daw ako ni Hermes ngunit nagmatigas pa din ako.
May mga tanong sila na hindi ko masagot. Nagdadahilan na lamang ako na walang nagbabantay sa bahay.
Si Gaston naman ay wala akong naririnig na kung ano pa man. Iniisip ko na lamang na nauunawaan niya kung bakit hindi ako pumupunta sa ospital.
Ngayon nga at ito na ang araw na tatanggalin na ang benda sa mata ni Hermes. Ngunit ito pa din ako at nanatiling matigas kahit gustong gusto ko ng pumunta ng ospital.
Nasa kalaliman ako ng pag-iisip ng tumunog ang aking cellphone.
Walang gana ko iyong dinampot at sinagot ng hindi na tinitingnan kong sino ang tumatawag.
"Yria, where are you?" Bumilis ang tahip ng aking puso ng marinig ko ang boses nito. Matagal ko iyon hindi narinig.
Huli na din para patayin ko ang tawag. Baka ano pa ang isipin nito kapag ginawa ko iyon.
Naupo ako mula sa pagkakahiga.
"Sir, kumusta po?" Pinasigla ko ang aking boses kahit pa para na akong lantang gulay dahil sa pangungulila ko sa kan'ya.
"Are you coming or what?" tanong nito.
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ako agad nakasagot sa tanong nito. Kailangan ko mag-isip ng dahilan.
"May gagawin pa po ako," sagot ko.
"Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban ang gagawin mo? Hindi mo ba natatandaan ang huli kong sinabi sa'yo?"
"Ang alin po sir?" Patay malisya kong tanong.
Paanong hindi ko iyon matatandaan? Bawat katagang binibitawan nito ay tumatatak sa puso't isip ko.
Dinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya.
"Nevermind, bye." Pagtatapos nito sa tawag at pinatay na iyon.
Hindi ko napigilan ang pangingilid ng aking luha sa mata hanggang sa pumatak na iyon.
Mali ba ang ginawa ko? Mali ba na hindi ko tuparin ang kahilingan niya?
Nasasaktan ako sa posibleng mangyari. Paano kong ito na nga talaga ang huli kong misyon? May panahon pa ba ako para magpaalam?
Muling tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko muna iyon. Nang makumpirma kong hindi na siya ang tumatawag ay sinagot ko iyon.
"Hi! Naistorbo ba kita?" Bungad sa akin ni Val. Matagal ko din siyang hindi nakausap.
"Val, napatawag ka?"
"Busy ka ba ngayon? Sana pwede na kitang makita." Nakikiusap ang tono ng boses nito.
"Hindi naman," sagot ko.
Pumasok sa isip ko si Hermes. Marahil sa oras na ito ay tinatanggal na ang benda sa mata niya.
"Good. Nasa bahay ka ba? Susunduin kita." Masigla nitong wika.
"Saan ka ba? Ako na lang ang pupunta sa'yo?" Bagkos ay sagot ko.
"Are you sure?"
"Oo,"
"I'll text you the address. Ingat ka, Yria."
Napangiti ako sa pag-aalala nito.
Pagkatapos ng tawag na iyon ni Val ay nagpalit na ako ng pang-alis. Natanggap ko na din ang text nito kung saang lugar kami magkikita.
Palabas na ako ng kwarto ng natigilan ako. Tama ba ang gagawin ko? Kailangan ako ni Hermes pero hindi ko siya pinagbigyan. Ngayon nga ay makikipagkita ako kay Val samantalang humiling sa akin si Hermes na ako ang dapat niyang makita pagtanggal ng benda niya sa mata.
Ngunit lumabas ako ng kwarto na walang naging kasagutan sa mga tanong ko. Ang tanging alam ko lang ay ayoko muling masaktan at kailangan ko na din maging handa sa susunod na mangyayari.