KABANATA 30 Herme's POV Naalimpungatan ako ng may marinig ako na tila kaluskos na malapit sa aking kwarto. Tumayo ako para silipin kung sino iyon. Baka si Mang Tony iyon na may hinahanap. Pinihit ko ang seradora at nilakihan ko ang awang ng pinto. Gusto ko matawa sa aking nabungaran dahil tila parang may bata na dahan-dahan humahakbang na ayaw magpahuli sa magulang dahil kung anong oras na umuwi. Si Manang Saling iyon na may mga bitbit na kung ano. Palinga-linga pa ito. Nakahalukipkip na tumuwid ako ng tayo sa bungad ng pinto at tumikhim ako ng malakas. "Ay! Susmaryosep! Ay gwapong kabayo!" bulalas nito ng humarap sa akin. Mahina akong natawa sa naging reaksyon nito. Magugulatin pa din ito. Lumapit pa ito at pilit na inaninag ang aking mukha. Umaliwalas ang mukha nito ng matu

