JOY "Gwapo na ang papa ko! Pagkatapos kitang suklayin Papa, lalabas na tayo para magpa araw. Sabi ni Lolo duon nalang daw tayo kakain ng almusal sa puno ng mangga. Sa tindahan ho siya nagluto ng almusal natin." Magiliw ko'ng sabi kay Papa. Isang buwan mula n'ong lumabas si Papa sa hospital. Pa unti-unti nawawala na ang mga pasa niya sa katawan. Makatayo na rin siya mag-isa ngunit kailangan ko pa rin siyang alalayan dahil hindi pa magaling ang kanyang paa. Naka wheel chair siya kaya hindi ako mahirapan na alagaan si Papa. Nagsimula na rin kami mag tindahan. Sa awa ng panginoon marami din ang bumibili. Natubos na rin namin ang sakahan. Kaya medyo Hindi na kami nahirapan sa pang araw-araw namin na gastusin. May natira pa na 50k kaya pinatago ko kay Lola. Gusto niya sana ibalik kay Jerlyn. N

