CHAPTER THIRTY

1510 Words

JOY Nagising ako, na nasa kwarto na ako, habang nakahiga sa aking kama. Nakita ko si Papa Eric na nakaupo sa kaliwa ko at si Lola Nicitas naman sa kanan. Habang si Lolo Elias naka upo sa upuan sa gilid ng kama. Tahimik silang tatlo habang nakayuko. Nang maalala ko na nahimatay ako kanina dahil sa sinabi ni Papa. Bigla ako ulit kinalaban. Pipikit na sana ako muli para mag tulog-tulugan ngunit nakita ako ni Papa. Seryuso siyang tumingin sa akin. Kaya napalunok ako ng sarili ko'ng laway. Dahan-dahan ako'ng bumangon at sumandal sa sandalan ng aking higaan. Hinihintay ko kung ano ang sasabihin nila sa akin. Hindi ako makatingin ng deritso sa kanila sa sobrang hiya at takot. "Anak mabuti gising ka na. Masama pa ba ang pakiramdam mo? Nahihilo, nasusuka ka pa ba?" Sunod-sunod na tanong ni Papa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD