JOY "Frenny na-miss kita. Kamusta ka na? Kamusta na kayo ni Arnel?" Tanong ko kay Jerlyn. Magkayakap kaming dalawa dito sa taas ng bahagi ng resort ni Brent. Nandito kami ngayon sa resort ni Brent. Kumplito kaming lahat. Kasama din si Anika at Rachel saka si Tita Jey. Kasama din ang mga kaibigan ni Brent. Si Lola Nicitas, Lola Neneng at Lolo Elias kasama sina Mama Marya, Tita Mercedez ay nasa loob ng bahay. Habang si Tito at Papa Eric kasama si Daddy Edward nagbabantay sa kanilang mga apo na naliligo sa pool. Isang araw mula ng dumating kami dito sa Cagayan Valley. Naisipan namin na maligo dito sa swimming pool. Kararating lang din ni Jerlyn at Arnel galing daw sa isang out of the town meeting. Dito sila dumiretso sa resort nang nalaman nila na nandito kami. Nagulat nga ako na sobrang m

