JOY "Na-miss kita girl! Finally ikakasal ka na talaga sa daddy ni Brianna. Hindi na si Brianna magpa order sa Ninang Jerlyn niya ng daddy sa shoppe. I'm so happy for you girl. Mabuti talaga nakauwi ako kasal niyo. Saka mabuti nalang pinakilala mo ako kaagad sa asawa mo. Ang sama ng tingin niya kanina sa akin. Pero ang gwapo at mukhang yummy girl." Masayang turan ni Micah. Mabuti nakauwi sila ng jowa niyang afam. Bukas na ang kasal namin ni Brent kaya may handaan ngayong gabi. Ganito ang kasal sa probinsya. May tinatawag silang bespiras ng kasal. Kung saan may sayawan. Kaya masaya ang lahat na nandito at mga kapitbahay bahay namin. Limang baka at sampung baboy ang hinanda ni Daddy Edward. Siya daw ang bahala sa handaan dahil gusto niyang bumawi kay Brent. Alas nwebe ng gabi ngayon. Kaya n

