JOY Pagdating namin sa emergency room. Nag-usap si Sargeant Knight at Brent tungkol sa nangyari kay Tito Edward. Habang nasa byahe kami kanina kweninto sa akin ni Brent ang tungkol kay Tito Edward kung paano niya ito naging Tito. Tahimik lamang ako na nakaupo habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Wala daw plate number ang nag over take sa sasakyan ni Tito Edward. Kaya malaki ang hinala ni Sargeant Knight na sinadya ang pag overtake kay Tito Edward. Pinangako niya naman kay Brent na gagawin niya at ang kanyang team ang maayos na investigation upang malaman kung sino ang sa likod ng pangyayari. Handa naman daw mag bigay ng malaking pera si Brent upang malaman kung sino ang may gawa kay Tito Edward. Habang nag-uusap sina Brent at Sargeant Knight. Bumukas ang pintuan ng emergency room at

