Top Best Fighter

1102 Words
[Donnah's POV] "Promote agad? Grabi ka, Don." Bumungisngis ako habang binibilang namin ang pera ko para pambili ng damit at bagong sapatos. "Mas mataas nga ang sweldo mo, kumpara noon noong nagta-trabaho ka bilang driver ni Aleng Mercedes." Napayuko ako at napatikom ng labi. Nagkunwari akong abala sa pagliligpit ng pera. Elaine didn't know what my previous job really is. She thought i'm a delivery driver, but I was actually making fake ID's for minors who wants to enter a club. "Shopping tayo sa makalawa, Don?" "Ikaw lang, Elaine. Maiiwan ako rito. Rachel would freak out at baka hahalughugin niya ang kwarto natin pagnalaman niyang nagkakapera ako." Tumango siya na parang aso at bakas ang excitement sa mga mata niya. It's been a long time since she strolled around downtown. Kung lalabas man siya ng bahay ay hanggang bakuran lang siya. "Thank you, Don!" "Of course." . Panay ngiting aso ko nung inabot na sa akin ni Ma'am Layla ang bago kong uniform. Itim na cropped varsity jacket at tube sa loob. Pinarisan ito ng sobrang ikli na denim shorts. "Dito pa rin po ba ako magta-trabaho, Ma'am?" "Dito pa rin naman kaso sa baba ka. Sigarilyo at inumin ang ibebenta mo." Tumango-tango ako habang nakasunod sa kanya. Agad akong nagtaka nung pumasok kami sa malaking pinto na katabi ng battleground. "Ang mga magiging costumers mo ay mga fighters at ibang staff ng Knight G. Isa lang ang rule namin dito at yun ay bawal kang magbenta ng inumin sa mga fighters bago ang laban nila. Ayaw naming ma-displease ang mga manonood. Ayos ba?" "Areglado po, Ma'am Layla." Confident kong sagot at ngumingiti pa. Napataas ang kilay ko nung may nalampasan kaming mga tao na nakasuot ng hoodie at may nakalagay na 'KING' sa likuran. Tama nga si Ma'am Layla, madami talaga ang nagsusuot ng mga ganyang hoodie. Na-realize ko yun sa mga nakaraang gabi ng pagta-trabaho ko rito. "Astig," bulong ko sa sarili ko nung makita ang sobrang lapad ng locker room ng mga fighters. May mga fighters na nagsitumpukan at nag-uusap habang ang iba naman ay nagwa-warm up. "Kumpara sa taas, dito ay hindi mo na kailangang maglakad-lakad, ang mga costumers mo mismo ang pupunta sayo pero depende pa rin iyun sayo kung saan mo gustong tumayo." Binigay niya na sa akin ang bagong box ko ng mga sigarilyo. "Ito yung mga inumin, yung prices ay nakalagay sa gilid at kung malapit ka nang maubusan ay pwede mong kausapin ang mga guwardiya rito para padalhan ka ng dagdag na beers. Klaro ba?" "Klarong-klaro, Ma'am." . "... Isang kaha mo na, Joe. Lucky Charm yan sa laban mo, pramis!" Biro ko sa isang fighter na matipuno ang pangangatawan at mahaba ang buhok. "Sige, sige na. Kung hindi ka lang maganda, Donnah." Ngumisi siya at kinuha ang isang kaha. Nung naabot niya na sa akin ang bayad ay agad ko siyang pinahiram ng lighter. "Donnah, San Mig akin." "Isang dosena ba?" Napahalakhak ito sa tugon ko. "Grabi ka naman. Dalawang bote lang." "Donnah, ako rin." "Jackpot nga, Don." "Buti na lang at mas maganda ka." "Syempre naman, mga bossing. Mabango pa kili-kili ko." Umakto akong inamoy ang kili-kili ko at nagsitawanan silang lahat. Malalaki at matitipuno ang mga katawan nila. Sobrang tangkad din at lahat sila ay may mga tattoos sa iba't ibang parte ng katawan. Napatingin ako sa maliit na pintuan sa dulo kung saan pumapasok ang mga fighters na lalaban na. Nakarinig ako ng mga ingay doon, "ano ang nangyari?" Tanong ko sa kanila at agad nilang nakita kung saan ako nakatingin. "Medic," sabay-sabay na sagot nila kaya napatango ako. Nung makarinig kami ng bell ay agad na silang nagsialisan sa harap ko at pumunta sa taas para manood ng laban. Sa locker room kasi ay walang bintana kaya kinakailangan pang umakyat ng mga fighters kung gusto nilang manood. Isang lalaki na lang ang naiwan doon kaya nilapitan ko siya. Nakahilig siya sa isa sa mga lockers at nakasuot ng itim na v-neck shirt. "Bossing, sigarilyo?" Ininguso ko ang mga sigarilyo na nakalagay sa box. "Ano pala ang codename mo? Para malaman ko schedule of fight mo in case na bibili kayo ng beer–" "I'm not buying anything," malamig na putol niya sa akin at hinarap ako na nakahalukipkip. Napalunok ako... isang faffy! Gosh, ang tangkad niya at ang gwapo. Clearskin, chinito, maitim ang buhok nitong naka-fringe up at manipis ang mapula nitong labi. "May kailangan ka ba?" Napaiwas ako ng tingin at napaatras dahilan para tumaas ang kilay niya. "A-ang suplado mo kasi. Tss, englishero ka pa, nakakabading!" Inirapan ko siya pero hindi niya iyun pinansin at nagsimula nang maglakad papunta sa benches. Pinanood ko lang siyang kunin ang hoodie niya at sinuot. "T-teka, ikaw yun ah!" Kahit madami ang sumusuot ng ganyang hoodie ay hindi ako pwedeng magkamali. Yan ang sinasabi ng pintig ng puso kong anemic. "What?" Mukhang nainis siya sa pagtaas ng boses ko. "Ikaw yung bastos na antipatiko, number one suplado na pinaglihi sa kuwago!" Pang-iinsulto ko sa kanya habang mabilis na naglakad papunta sa harapan niya. "Jeez, woman, can you shut up? Wala akong alam sa pinagsasabi mo," nandidiring sabi niya sa akin bago umatras. "Talaga? Tutal englishero ka rin naman... Let me tell you, you dropped my phone and didn't even bother to pick it for me." Ang kaninang walang emosyon at chinito niyang mata ay unti-unting nanlalaki. "Wait, ikaw yung babaeng hindi marunong magbilang?" Parang nawalan ng buhay ang mukha ko. Ramdam ko rin na nanghina ang buong katawan ko. "Tss," suplado itong tumalikod at humilig sa gilid ng pintuan. "M-marunong akong magbilang noh! Na-mental block lang ako. First time ko eh." Nagsalubong ang kilay ko nung naging tahimik ito. "Wala na akong costumer dito, bilhan mo ako. Pambawi na lang sa pagbangga mo sa akin." Hinila ko ang dulo ng hoodie niya dahilan para tumingin siya sa akin na mukhang naiirita. "I don't smoke." "Beer na lang." "I have a fight," napatikom ako ng labi. "Bilhan mo na lang ako ng isang stick. Wala akong dalang pera eh. Sige na, pambili lang." Umikot ang tingin niya sa room bago sumagot. "Don't stain a lip so innocent." "Pinagsasabi mo?–" Hindi na niya ako narinig nung pumasok na siya sa black room para maghanda sa laban niya. "Kilala mo siya, Donnah?!" "Nagsalita siya!" "Nagkausap kayo?!" Nagulat ako nung makarinig ng samu't saring mga tanong sa likuran ko. Yung mga fighters pala ay nagsibalikan na. "A-ano ang ibig niyong sabihin?" "Hindi yan nagsasalita at hindi namamansin." "So, who's he anyway?" "He's the Knight Ground top best fighter of all time."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD