[Donnah's POV]
"Ang lalaking yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa pintuan kung saan pumasok ang lalaking pinaglihi sa chipmunk.
"He's King, you never saw him fight before?" Umiling ako.
"Panoorin natin!"
"Oo, Don. Si King ang main event ngayon."
Inaya na nila akong pumunta sa taas. Hindi naman bawal sa aming mga vendors na manood at tsaka lahat naman ng costumers ko ay kasama kong manood.
Ang lakas ng pintig ng puso ko habang binubuksan ang malaking gate at lumabas doon ang lalaking di-gaano katangkad at sobrang kapal ng balbas.
Ewan ko pero ngayon lang ako nai-intriga nang ganito sa isang laban. Kinakabahan ako na parang natatae nung kabilang gate naman ang binuksan at agad na nagsihiyawan ang mga tao.
"KING! KING! KING!" They all chanted. Everyone is crazily standing as if they would die just to see King.
Siya nga... ang top fighter ng Knight Ground. He's wearing a cycling short, barefoot and topless. Hindi ko maiwasang mapalunok sa solid nitong pecs. I've been with men for in my entire life. I've been hooked, dated and had s*x with multiple ones but I never find even a single one of them attractive.
Gusto kong maglaway. His jaw clenched as he made his way towards the center of the battleground. Tumingin ito sa audience at sa isang iglap ay biglang tumahimik.
Sobrang seryoso niya at ang mga titig niya ay sobrang talim... it's terrifying.
"FIGHT!" Sigaw ng announcer at agad na may bumalot na tensyon sa buong arena nung tumigil si King sa paglalakad.
Ang kalaban niyang may codename na Crescent Beard ay panay jog at mukhang nate-tense sa magiging laban habang si King naman ay kalmadong nakatayo lang at mukhang naghihintay na lapitan siya ng kalaban.
Tumingin ako sa malaking orasan na nasa taas at may isang minuto lang sila para sa round 1. A fight only takes one round, kung tie ang laban ay diyan papasok ang round two. Sa isang gabi ay halos umaabot ng 50 fights. Ang ibang fighters na natatalo ay tinatawag nilang one-minute of hell ang pakikipaglaban.
Agad akong napahawak sa railings nung inambahan na ni Crescent Beard si King ng suntok pero agad itong nakailag. Panay paulan ng suntok at side kick ng kalaban at ilag lang ang ginagawa ni King.
What is he doing?
It's half a minute pero hindi pa nakakagawa ng galaw si King para kalabanin si Crescent Beard.
"It's fourty seconds!" Sigaw ko at napahampas sa railings. Agad namang nagtinginan sa akin ang mga tao kaya napatikom ako ng labi.
"Chill, Don. You still don't know what kind of fighter King is."
Fifty five... fifty six... fifty seven-
I gasped when King gave Crescent Beard a blowing move that knocked him down with just one punch.
Agad na nagsipalakpakan ang mga tao habang ako ay hindi pa rin makapaniwala at tulala lang dahil sa natuklasan.
Napatawa sina Joe, Red Carp at Cement Head dahil sa reaksyon ko. They pat my shoulder; sarcastically comforting me.
"Masanay ka na."
"Does it always been like that? King ending it with just one punch?" Tanong ko at nakatulala pa rin sa battleground kung saan papasok na si King pabalik ng gate.
"Minsan lang. Depende sa kalaban. Kung mukhang epal ay agad niyang mapatumba pero ang mga seryoso talagang harapin siya ay pinagpapawisan din siya at minsan ay nakakatamo rin ng mga pasa."
.
"Okay ka lang ba talaga dito?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Elaine habang inaayos na ang kanyang bag na dadalhin sa pag-shopping.
"Oo naman at tsaka na-miss ko rin si Rachel," kinindatan ko siya at bahagya naman siyang napatawa.
"Donnah naman eh."
"Tawagin mo nga akong ate."
"Cringe." Napa-iling ako. Sarap talaga niyang sabunutan minsan.
"Alis na ako." Lumabas na siya ng kwarto habang ako ay agad na kinuha ang bag niyang walang laman at pumunta na sa balcony.
Mga tatlong minuto pa bago siya nakalabas ng bahay. Agad kong hinagis sa kanya ang bag.
"Bye," she mouthed and I wave at her.
My sister deserves more than just this. Inaamin ko na deserve ko ang ganitong buhay kasi i'm not really a good person, I just don't get it why my sister have to deal the same pain.
.
"Rachel? Rachel, huwag!" Sigaw ko nung makita siya sa kabinet namin na nakatayo at hinahawakan ang pera ko.
Pumunta akong banyo at hindi ine-expect na papasok siya ng kwarto namin.
"Saan mo nakuha 'to?" Tanong niya at tiningnan ako.
"Sa trabaho. Amin na yan!" Sigaw ko at akmang aagawin sana sa kanya nung makatanggap ng isang mabigat na sampal sa kanang pisngi ko.
Natigilan ako at napahawak sa pisngi dahil sa sakit. Hindi pa siya nakuntento at sinampal ako sa kabila. Hindi ako nanglaban kahit nung ibinunggo niya ang mukha ko sa kabinet.
"Wala kang utang na loob! Ako ang bumubuhay sa inyo ni Elaine tas pagnagkatrabaho na kayo ay babaliwalain ninyo ang sakripisyo ko?! Saan pumunta ang bobita mong kapatid?!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa salitang pantawag niya sa kapatid ko.
"B-bumili ng damit," napaigting ang panga ko nung sampalin niya ulit ako.
"Wala talaga kayong hiya! Kukunin ko 'to pambayad sa kuryente, pagkain at ibang gastusin sa bahay. Ayaw kong sarilihin ninyo ang pera! Naiintindihan mo?!"
"Gagamitin ko ang pera para sa tuition-" Hindi ko na maipatuloy pa ang sasabihin nung hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nangingilid ang mga luha ko sa sakit dahil sa matatalas niyang kuko na unti-unting bumabaon sa pisngi ko.
"Ayokong makarinig ng reklamo at anumang salita mula sa bibig mo... kahit ni katiting na salita, klaro ba?" Mabilis akong napatango at agad naman niya akong binitawan.
Sobrang hapdi ng buong mukha ko at ramdam ko ang pagbasa ng gilid ng labi ko at nung hinawakan ko yun ay nakaramdam ako ng dugo.
Umalis na siya dala ang perang pinaghirapan ko sa loob ng anim na gabi. Nanghihina akong napaupo sa sahig. How can I continue to live like this?
Umiiyak na hinablot ko ang maliit na plastic chair sa gilid ko at tinapon iyun sa dingding dahil sa galit ko.