[Donnah's POV]
Napakunot ang noo niya at parang gulat sa prangkang pagkakasabi ko.
"Are you crazy?"
"I overheard your conversation. Sayang naman yung pera and I really need it." Umiwas siya ng tingin at umigting ang panga niya.
"You have a different gut. What makes you think that i'll give you my money?"
"We're friends?" Hindi ako sigurado. I mean, nag-uusap naman kami... ako lang ang kausap niya sa loob ng Knight Ground.
"Let me think about it." Nagsimula na siyang maglakad at hindi ko siya lulubayan.
"Magkano ba ang perang makukuha mo kung magiging fighter ka?"
"15,300 pesos kung panalo." napanganga ako. Isang linggong sweldo ko na yan ah.
"Ang laki naman," humahangang ani ko at parang nakakalaway makahawak ng ganoon kalaking pera.
"Ba't hindi mo tinanggap?" Kumibit-balikat lang siya.
"There are so many people dying just to earn 100 pesos at yung sayo ay libo-libo na't tinatanggihan mo pa. Can't you see how lucky you are?!" Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Napakuyom ang mga kamay ko nung magtama ang mga mata namin. His topas eyes are piercing as they looked down at me.
"Lucky? Only a happy person can say he's lucky. I'm fighting to be strong, not for the money."
.
15,300 pesos kada gabi ng away niya and I know for sure na palagi siyang mananalo. May 30,600 na siya sa dalawang gabi at dahil hindi siya interesado, gagawin ko ang lahat para kumbinsihin siya na ibigay sa akin ang pera.
Napabuga ako ng hangin at tumayo na. I'm going to search about him first.
"Donnah, saan ka pupunta? Diba may klase ka?" Tanong sa akin ni Elaine nung makitang hindi ako nakabihis ng school uniform.
"W-wala, birthday ng lecturer namin at tsaka tinatamad siguro yun magturo," dahilan ko na agad naman siyang nakumbinse.
"Aalis ako, may titingnan lang ako sa trabaho."
"Ingat!"
Kinuha ko na yung bag ko na anim na taon ko nang ginagamit. Napairap naman ako nung mula sa hagdan ay kita ko si Rachel na nakaupo sa couch at nagbabasa ng dyaryo habang naninigarilyo.
"Saan ka na naman?" Tanong niya nung kumuha ako ng isang stick ng yosi sa lamesa.
"Trabaho, pinapatawag ako ng boss ko."
"Pag-igihan mo ang pagta-trabaho at naniningil na si Roseanne sa atin."
Tumalikod ako at agad na sumimangot. Puros beer at sigarilyo lang naman ang utang niya. Alam ko rin ay libo-libo rin ang utang niya sa sugalan. Nakaka-imbyerna talaga ang pagmumukha ng tiyahin ko.
.
"Basta atin-atin lang 'to? Aakalain kasi ni King na stalker niya ako," bulong ko kay Maam Layla at napahagikhik naman siya.
"Ba't gusto mong malaman?"
"Crush ko kasi siya!"
Agad namang naniwala si Maam Layla at kinikilig pa. Ako naman ay umaktong nahihiya. Mga tao nga naman... ang bilis maniwala.
"Full name niya ay Quintez Pascual, 18 years-old. Last year pa siya pumasok dito. Palaging panalo, never talo." Tumango-tango ako habang nagti-take note.
Quintez? Anong klaseng pangalan yan? Bagay sa pagkatao niyang weirdo rin.
"Alam niyo ba ang address niya? Palaging tinatambayan? School?"
"Hindi ko alam kung saang paaralan at nakikita ko siyang palaging nakatambay sa Sky Autumn Café."
.
Mayaman nga talaga ang mayabang na yun. Tiyak kong kinakape niya lang ang libo-libong pera niya.
Konti lang ang mga tao at kahit ang liit ng kapehan ay makikita mo talaga na may class ang bawat detalye, kahit yung mga costumer.
"Good morning, Ma'am, welcome to Sky Autumn. May I take your order?"
"A-ah," napalunok ako at kinuha ang menu sa mesa. Halos mabulunan ako sa sariling laway nung makita ang presyo.
Kulang ang pera ko, lalo na't alam na ngayon ni Rachel na nagta-trabaho ako.
Iginala ko ang tingin sa menu at sa tagal ng paghahanap ko ay nakita ko ang pinakamura.
"I-isang espresso nga," nauutal na tugon ko. Espresso? Ano yun? Ah, bahala na, nandito ako para mag-spy at hindi para sa kape.
"I-is that all, Ma'am?" Gulat na tanong sa akin nung waitress at nag-aatubiling tumango ako kahit hindi ko naman alam kung ano yung inorder kong 75 pesos ang presyo.
Umalis na ang waitress at panay linga-linga ko sa magkabilang gilid para hanapin si King. Sabi ni Ma'am Layla ay mga ganitong oras siya pumupunta.
"Here is your shot of espresso, Ma'am." Shot?! Nakita kong kumagat-labi ang waitress bago nilapag ang espresso shot ko.
Hindi ako makapaniwala. Ito na ang 75 pesos? Kasing laki ng tansan. I was curious, so I took a sip. Putcha! Ang pait-pait, mas pait pa sa putik.
Ano ba 'to?
Kinuha ko ang menu at napaismid nung makitang additional pala; pampatapang ng kape.
Parang ewan! Binili ko na lang sana ng burger sa Jollibee o 'di kaya ay french fries sa McDonald's. Kabanas, hindi na talaga ako papasok sa café.
Napatingin ako sa pinto nung tumunog ang windchime at napatalon ang puso ko nung pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
Diretso lang ang kanyang tingin papunta sa upuan na katabi ng glass wall.
Ang layo namin at mukha namang wala siyang pakialam sa paligid niya kaya sure akong na hindi niya ako mapapansin.
Nanliit ang mga mata ko nung direktahang dinalhan na siya ng order kahit hindi pa niya tinitingnan ang menu. Ganun na ba kapag regular costumer? Tss, ang yabang.
Bigla akong naging alerto nung inayos niya ang kanyang buhok at umayos ng upo.
Sinundan ko ang kanyang mga tingin at sa babaeng nakikipag-usap sa mga waitress pala ang kanyang atensyon. Napahanga ako. Alam kong maganda ko pero yung babae ay may gandang hindi matutumbasan. Matangkad siya at nakasuot ng salmon dress na may cap short sleeve. Pinaresan niya ng pulang heels. Kakapasok pa lang niya at agad niyang nakuha ang atensyon ng lahat.
Psh, i'm still sexier than her.
Napakagat ako ng labi at unti-unting napangisi nung may naisip ako.
Ang malamig na mga mata ni King ay nagkaroon ng pagkamangha habang panay sulyap niya sa babae.
Mukhang alam ko na kung paano ko makukuha sa kanya ang pera. Baby, i'm gonna be rich at ipapatapon ko agad si Rachel sa ilog pagnangyari yun.