[Donnah's POV]
Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin. Napabuntong-hininga siya bago sumagot, "fine, dito ka ba niya susunduin?"
"Sa may station. Bakit? Ihahatid mo ba ako roon?" Mapakla akong ngumiti nung makita ang seryoso niyang mga titig sa akin.
Heto na naman yung sinasabi ko. Sana hindi na lang ako nagpahatid. Ang awkward at nakakailang, two times pa kesa sa unang sakay ko. Panay kasi buntong-hininga ni King.
"Tigilan mo nga yan!" Naiiritang suway ko nung hindi na ako makatiis.
"Tigilan mo rin."
"Ang ano?"
"Nevermind," marahan niyang iniling ang ulo na nakapagpakunot sa noo ko. Ang gulo niyang kausap, as in!
"No matter what your goal is, you should learn to take control. Life is too short to give a damn about other things. Be more focus and you'll get what you deserve much early." Hininto niya ang sasakyan at tumingin sa akin. Nagulat ako sa sinasabi niya at sa mahinahong tono ng kanyang boses.
"You're more than just a cigarette vendor and an aristo's w***e. Appreciate yourself, Donnah, cause no one will do it for you."
I could hear my heart screaming and I listened to it attentively, while I looked at him with rounding eyes. Those words that I heard from no one before. It feels comforting that made the fire ignite within me.
"King, ano ang–"
"It's time for the next train. Get out." Walang kaemo-emosyong putol niya sa akin at ibinaling ang tingin sa harap. Napangisi ako bago lumabas na sa kanyang sasakyan.
.
Nag-dalawang isip ako dahil sa sinabi ni King. Sinimulan kong dudahan ang mga bagay na ginagawa ko para pagtakpan ang mga masasalimuot na pangyayari sa buhay ko. Was it all worth it? Trying to hide the pain? It all began as a rebellion and now, it became a habit that is hard to get rid of.
"Anong problema? Ba't parang hindi ka masayang makita ako?" Nakangisi siyang nakakaloko at lumapit sa akin nung maabutan niya akong nakatayo sa station matapos kong makababa sa train.
"Nasa Casino ngayon si Tita mo, baka pwedeng maulit yung ginawa natin kanina. Hindi ko inakala... na mas masarap ka pala kesa sa kanya," bulong niya sa akin dahilan para mapaatras ako. Napalunok ako nung bumalik sa isip ko ang sinabi kanina sa akin ni King.
"You know what, forget what happened." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
"Ano?"
"Sabi ko kalimutan na natin iyun. A-ayokong magkagulo sa pagitan namin ni Tita."
"Have you gone crazy? Eh kanina sarap na sarap ka sa ginagawa natin tapos ngayon." Nataranta ako nung bigla na lang niyang hinuli ang pulupulsuhan ko.
"Bitawan mo ako!" Mariing utos ko sa kanya at pilit na kumawala.
"Hindi, gagawin natin iyun sa ayaw at sa gusto mo. Pinasok mo, kaya harapin mo. You're going with me."
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Malakas na sigaw ko na nakahuli sa atensyon ng karamihan. Napagitla siya dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya mabilis akong tumakbo paatras at nagpapasalamat na may mga dumating na security.
"Ano ang nangyayari?"
"Pinipilit niya po akong sumama sa kanya. Hindi ko po siya kilala."
"Sinungaling yan! Tito niya ako. Pinapasundo siya sa akin ng mga magulang niya!" Sumisigaw na sabat niya nung palibutan siya ng mga security.
"Huwag po kayong maniwala. Ulila na po ako. Si Tita ko na lang po ang nag-aalaga sa amin."
"Huwag kang mag-alala. Kami na lang ang bahala rito para hindi magkagulo."
Tumalikod ako at palihim na ngumisi bago tumakbo para magbantay ng taxi.
.
"Nahihibang ka na ba, Don? Ba't mo naman iyun ginawa? Mas mapapahamak tayo niyan eh. Gusto mo bang magkahiwalay tayo?!" Sermon niya sa akin nung matapos kong ikwento sa kanya ang lahat.
"I just want to make her pay."
"So you had s*x with her boyfriend? With that twagger?"
"It was just one time. I ended it quickly." Nakayukong depensa ko.
"We should prepare, Don. Tiyak na gagawan ka iyun ng kwento kay Rachel at mas paniniwalaan pa niya iyun kesa sayo na pamangkin niya."
Napalunok ako nung maramdaman ang pagbara ng lalamunan ko. Alam kong hahantong sa ganito... pero hindi ko napag-isipan nang maayos. Hindi ko inisip na madadamay ulit ang kapatid ko.
"May natabi akong pera. Pumunta ka muna sa pinakamurang marerentahan at doon ka na muna. Ako na ang haharap kay Rachel."
Dapat may maiwang isa rito sa bahay... kung hindi ay baka i-report na naman kami ni Rachel sa Orphan Center at baka paghihiwalayin na naman kami tulad noon para hanapan ng foster parents.
"Donnah, malaking gulo 'to eh!" She messed her hair in frustration. Tears are visible on the side of her eyes. Hindi ako makasagot. I made a big mistake and I thank King for making me realize something, if it wasn't for him, I would have brought a greater chaos.
"Huwag kang mag-alala. Ako na ang haharap sa kanya, sundin mo na lang yung plano ko."
Panay laro ko sa labi ko at hindi makatulog. Ngayon ko lang natripan ang isa sa mga boylet ni Rachel kaya malaking gulo nga.
Napaawang ang labi ko nung maalala ang usapan namin ni King. May date pala bukas si King at Artemis tas bukas ay tiyak na dadating din si Rachel at alam kong nasumbong na sa kanya ni Lawrence ang nangyari kung saan ako yung suspek tas siya yung biktima.
Ano na ang gagawin ko?
.
"What the f**k do you mean that you're not coming?!" Napangiwi ako at nilayo ang phone mula sa aking tenga nung tumaas ang boses ni King.
"M-masama ang pakiramdam ko. Ayos lang kahit hindi mo ako mabayaran ng doble. Wala talaga sa kondisyon ang katawan ko." Nag-inarte akong umubo at panay singhot din na para aakalain niya na may sipon ako.
Maaga ko nang pinatakas si Elaine para sure dahil hindi ako sigurado kung anong oras ang uwi ni Rachel.
"Diba sinabi ko na sayo na kabisado na kita? You're easy to read. Did you got into a fight again?"
"Hindi ah!–"
"Well, whatever. Pupuntahan kita diyan."
"Anong pupuntahan? Hindi mo alam ang bahay ko!"
"Too late. I already located you."