Joke

993 Words
[Donnah's POV] Napabalikwas ako ng bangon matapos mapatay ang tawag. Ano ang pinagsasabi niya? Na-locate na raw niya ako? Napasinghap ako sa gulat nung makarinig ng pagbasag ng mga gamit sa baba. Tumataas-baba ang baga ko dahil sa pinaghalong kaba at taranta. "Hoy, babae! Bumaba ka rito!" Sigaw sa akin ni Rachel nung namataan niya akong nakasilip mula sa hagdan. Napalunok ako at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Ni-lock ko at sinandalan ko yung pinto. Mariin akong napapikit nung marinig ang mga yapak niya sa hadgan. "Wala kang kwenta! Napakapokpok mo, hindi ka na naghuhunos-dili! Pati yung akin ay inagaw mo!" Nagdadalawang-isip ako kung tatalon ba ako sa bintana nung sinimulan na niyang hampasin at tadyakan ang pinto. "Buksan mo ang pinto para makita mo ang katapat mo! Duwag kang pokpok ka!" Buksan ko na lang kaya? Kahit ano naman ang gagawin ko ay masasaktan at masasaktan pa rin ako. Tatakas ako ngayon tas uuwi rin, ang ending masasampal niya rin naman ako. Bigla siyang tumigil sa paggiba ng pinto nung may biglang kumatok sa baba. "Babalikan kitang punyeta ka," rinig kong sabi niya nang mahina sa pinto at bumaba na. Mabilis akong pumunta sa bintana para tingnan kung sino ang kumatok. "Good afternoon." Agad na nanghina ang mga tuhod ko nung makita ko siyang nakasuot ng plaid casual shirt at black skinnies. Napairap ako nung bahagyang inayos ni Rachel ang sariling buhok at ngumiti kay King. Galing, parang hindi lang nagwala kanina para patayin ako. "M-may kailangan po ba kayo?" Hindi siya muna sumagot. Inilibot ni King ang kanyang tingin hanggang sa namataan niya ako. "Can I come in?" "Ah– oo! Oo naman. Pasok ka, iho." Sarap sakalin ang puta. Dahan-dahan kung binuksan ang pinto. Not wide, but enough to hear their conversation. I saw King immediately observed the interiors. His eyes were crawling for details in every corners and edges. "I would like to speak to your niece. Specifically, Donnah Martinez." Nanigas si Rachel sa kanyang kinatatayuan nung akmang gagawan niya sana si King ng kape. "Kaano-ano ka ng pamangkin ko?" Woah, pamangkin. Big word. "I'm his boss." King doesn't need to explain anything else much further. Rachel nod her head and was about to go upstairs, but she stopped when she saw me already stepping downstairs. Her eyes pierced through me but I just confidently walk past her. "I'll be bringing Donnah with me. Don't bother to wait for her. I'll let her go whenever I want to. Here's some money for the commotion, I know it's enough to let me do as I please." Binasa ko ang labi ko at napalunok nung may nilapag si King na brown envelope sa mesa, kaharap mismo ni Rachel. Agad na tumalikod si King at si Rachel naman ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Tara na," rinig kong sabi ni King dahilan para maalis ako sa aking kinatatayuan. "Magkano ang binigay mo? Ba't mo pa ako kailangan sunduin? Paano mo ako na-locate at paano mo nalaman na may Tita ako?" Sunod-sunod na tanong ko habang papasok ng kotse niya. "7,000 pesos. Sinundo kita kasi kailangan. Na-locate kita dahil na-trace ko ang phone mo. Alam kong may Tita ka kasi yun ang sinabi ng kapit-bahay mo." Ininguso niya ang lalaking naninirahan katapat ng bahay namin. Nagpapaligo ito ng aso habang nakatingin sa kotse ni King. "Seriously, ba't naman? Pwede ka namang makipag-date na hindi ako kasama tas ayaw mo nun, konti na lang ang ibabayad mo sa akin." "I don't care about money, I need you." Napangiwi ako at napataas ang kilay sa sinabi niya. Kikiligin na ba ako? Umiwas ako ng tingin at napatikhim. "S-saan ba tayo?" "Sa pinakamalapit na mall." . "Seryoso? Ba't andaming arte?" Reklamo ko at napakamot sa ulo. Nagulat ako nung pumasok kami sa isang boutique para bilhan niya ako ng dress. "Just shut up, will you?" Walang gana niyang sabat habang tiningnan ang phone niya. "Ma'am, isukat niyo na po ang pinili ni Sir." Lumapit sa akin ang isang employee ng boutique habang may hawak na shirt dress. "Ba't ikaw ang pipili?" "Ako ang magbabayad." Napairap ako at hinablot na ang dress bago pumasok ng fitting room. Bumuntong-hininga ako at ngumiwi habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. "Y-you look good." Napalunok si King habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang baba. Namimilog ang kanyang mga mata at kumikislap. Inirapan ko siya at padabog na bumalik sa loob ng fitting room para suotin ang suot ko kanina. "Ayaw ko ngang suotin yan!" "Why? It perfectly suits you." "That's not my style! Why don't you buy me that one?" I pointed the white sweater and black denim shorts with pocket chains. "You can't just wear something like that." "I am already wearing one!" Naka-short shorts lang ako at puting sando. Napahilamos siya gamit ang kanyang palad. "You can't wear something like that today. I want you to be at least... presentable." "Well, I look presentable!" Giit ko bago taas-noong nilapitan ang dalawang lalaking cashier. "Ano ba tingin niyo sa suot ko? Do I look presentable enough?" Nakapameywang akong tumayo sa kanilang harapan at ngumisi nung sila'y napalunok at agad na dumapo ang kanilang tingin sa malaki kong hinaharap. "Oh, gods. Can you please behave?!" Tumaas ang boses niya dahilan para mapatingin sa kanya ang ibang mga costumers. Hinila niya ako papunta sa isang sulok at bumuntong-hininga. "I don't know what to do with you," he whispered to himself. "So yun ba ang gusto ko ang susuotin ko?" "Fine! But just stop flirting with other men." "Other men? So that means you're the only one I can flirt with?" I laughed when his eyes rounded and both sides of his nose also turned red. "Joke lang! Hindi ko alam na allergic ka pala sa jokes." Tumawa ako at nakangusong umiwas siya ng tingin. "Well, kung iyun ang gusto mo, matutupad naman po, Kamahalan. Geh, bihis lang ako." Kinindatan ko siya bago kinuha ang damit na nagustuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD