Scared

1025 Words
[Donnah's POV] And now I feel comfortable! Para akong mutyang Maria Clara pagnaka-dress ako. Gusto ko yung maiikli para komportable at astig ako kung tingnan, tsaka hindi bagay sa akin ang jeans or dress, nagmumukha akong pandak. "Saan ba kayo magkikita?" "Dito lang." Tipid niyang sagot habang may pinipindot na kung ano sa phone niya. Tine-text niya siguro si Artemis. Habang busy siya ay iginaya ko muna ang tingin sa paligid at hindi ko maiwasang itaas ang kilay ko dahil sa mga babaeng mula ulo hanggang paa kung makatingin. They're just insecure. They don't have the confidence to wear something like this in public. "Excuse me," he said when his phone rang. I sighed and leaned on the wall as I wait for him to finish his call. Ba't ang tagal? Masyado namang pabibo ang Artemis na yun para paghintayin si King. "Hey, miss. Mag-isa ka?" May dalawang lalaking lumapit sa akin. Matatangkad sila at mapapayat. Yung isa ay may tattoo sa leeg at parehos silang naka-bonet. "May kasama ako." "I think you dropped something. Sayo ba yan?" Tinuro nila ang sahig at nakitang may white towel malapit sa akin. Napangisi ako at humalukipkip nung makitang may hawak na phone ang isang lalaki. "Alam ko na ang mga ganyang istilo. Mga manyak nga naman." Tss, akala nila masisilipan nila ako. Nagkatingin silang dalawa at umigting ang panga nila. Kung mamanyakin nila ako, yung style sana na hindi bulok. Mga utak-lobo rin mga 'to. "Nasaan ang kasama mo? Ikaw lang namang mag-isa eh. Halika, sumama ka sa amin." Hindi ko inaasahan na pilit nila akong hihilahin. Nagmamatigas ako pero wala akong laban sa kanilang dalawa. Konti lang ang tao sa loob ng mall at walang may nakakapansin sa ginagawa sa akin ng mga tukmol. Para akong maiiyak nung palihim na hinawakan nung isa ang dibdib ko. Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero biglang dumating si King at malakas na tinulak silang dalawa. Nakatingin ako sa likuran niya habang minamasahe ang braso kong pilit nilang hinila. Nakuha namin ang atensyon ng karamihan dahil sa pagbagsak ng mga lalaki sa sahig. Tumayo sila at akmang susugurin si King pero bigla na lang silang nanigas sa kanilang kinatatayuan. "K-king?" Napasinghap ako. Mga members din sila sa Knight Ground. Namutla sila habang nakatingin kay King at maya-maya pa ay agad na silang tumakbo papalayo. Unti-unti siyang humarap sa akin na madilim ang mukha dahilan para mapalunok ako. Hindi na ako magtataka kung bakit parang sinindihan ang mga pwet ng mga manyak na yun kung tumakbo. "Dapat kasi desente ang damit na sinusuot mo, iha." Napatingin kami sa isang babaeng janitor na nagma-mop ng sahig. Kanina pa siya nandoon? "Clothes are not the real problem. Donnah can wear whatever she wants. I bet you're too stupid to understand that." Namutla yung Aleng sa matigas na tugon ni King. Nakaawang ang kanyang labi at nananatili sana akong nakatayo roon kung hindi pa ako kinaladkad ni King papalabas ng mall. "Teka, si Artemis?" "She'll be late." Malamig na sagot niya na ikinakunot ng noo ko. "Sandali, sandali!" Nung huminto siya ay binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Ako na nga yung binastos ba't parang sa akin ka pa galit?" "You were too slow to act. Ba't hindi ka sumigaw? Ba't hindi ka nanglaban? Paano kung hindi ako dumating?" Nagtataas-baba ang baga niya at namumula ang leeg. He seems anxious for what happened while me, I just got lucky that he was on time. "I was about to!" Hinarap niya ako na nanliliit ang mata. Sinuri niya ang buong mukha ko at kumunot ang noo. "You don't seem nervous... to think that you were almost kidnap." "I was, kaso dumating ka. Nagpapasalamat ako na dumating ka..." Huminahon ang boses ko. "... salamat sa pagdating mo, King. Alam kong walang may makakapanakit sa akin kung ikaw ang kasama ko... ang top fighter ng Knight G." . "Anong oras ba siya dadating?" "Mga ilang minuto," sagot niya at hindi na siya umimik. I find ourselves walking around the peaceful park. People walking around with their dogs, friends having picnic together... and a complete family, especially childrens who has their Mom and Dad to buy ice creams for them. "Why did you lie? About being sick?" Napayuko ako sa tanong ni King at hindi makasagot. "Those wounds and cuts that I always see... is it because of your Aunt? Gaano katagal ka niyang ginaganun?" "Ever since our parents died." Napatikhim siya at hinawakan ang pulupulsuhan ko na hindi tumitingin sa akin. Hinila niya ako at tumigil kami sa isang food stand. "Dalawang cotton candy nga." Napasimangot ako sa tono ng boses niya... napaka-bossy na pati yung tindero ay nanginginig ang kamay na inabot sa amin ang cotton candies. "Si Artemis?" "Traffic daw. Ano pa ang gusto mong kainin?" Hindi na ako magpapabebe pa at agad ko siyang hinila papunta sa isang food truck na nagbebenta ng crepe. "Hindi mo pa nga nauubos ang cotton candy mo." "Mabilis lang maubos nito eh at tsaka, mabilis ma-sold out ang crepes, ayokong mahuli." Tumango siya at pumila na habang ako ay umupo sa bench. Napangiti ako habang pinapanood siyang mabagal na kinakain ang cotton candy niyang kulay pink. Sobrang tangkad niya na marami ang napapalingon... karamihan ay mga babae. That handsome face of his and those cold eyes that could make anyone shiver... is so fascinating to watch. I looked down and smiled as I remember how he stood in front of me earlier; protecting me against those perverts. He stood there like an unbreakable wall that sent me assurance that he won't let anyone go near nor hurt me, that assurance that I never felt before and it scares me. It scares me cause I don't want it to last. It scares me that he might leave me like what my parents did and i'm afraid to be deceive by those mighty arms that can protect me from anything. I was tough as the stone, but I feel like I am in tranquility whenever he's there to protect me without any hesitation. It's terrifying that someone like him would leave me one day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD