[Donnah's POV]
"Nasaan na ba siya?" Nagdadabog na reklamo ko nung maubos ko ang crepe na binili sa akin ni King.
"Na-stuck siya sa traffic."
"Ano ba yan!"
"Bakit? May pupuntahan ka?" Tumango ako. Si Elaine ang inaalala ko. Nangako ako sa kanya na susunduin ko siya kapag natapos ko nang harapin si Rachel.
"I'll accompany you."
"No! Huwag na. Tsaka, dadating din si Artemis maya-maya. Mauuna na ba ako, ayos lang?" Paalam ko pero hindi siya nagsalita. Kumunot ang noo ko nung hinawakan niya ang pulupulsuhan ko at ang isa niya namang kamay ay pumipindot ng kung ano sa phone niya.
"She's not coming." Napasinghap ako.
"What do you mean that she's not coming? Kakasabi mo lang na na-stuck siya sa gitna ng traffic."
"Nasiraan siya ng kotse. She decided to postpone the date."
Kinalas ko ang kamay ko mula sa kanya at umatras. Pinanliitan ko siya ng mata nung may napansin akong parang mali.
He's acting weird and his reasons are unbelievable. It's been two hours and Artemis is still late for having countless excuses.
"She's not coming isn't she?" Bigla siyang napatahimik sa tanong ko. Umiwas siya ng tingin at tinalikuran ako. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa kanyang bulsa at inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.
"Hey, i'm talking to you!" Sigaw ko at mabilis na pumunta sa harap niya. Tatalikod sana siya ulit pero mahigpit kong hinawakan ang damit niya.
"May date ba talaga kayo ni Artemis, King?"
"Hoy, tinatanong kita!" Singhal ko nung tahimik lang siya. Naiinis na ako sa inaasal niya. Lalo pa na ginawa niya akong parang katawa-tawa.
"Sagutin mo ako, peste ka!" Malakas ko siyang hinampas sa dibdib dahilan para magulat siya. Our eyes met and I showed how furious I am. I was tightly clasping the air inside my fists and tried to fight those insensitive eyes.
Nagsibulong-bulungan ang mga tao dahil sa eksena na nagagawa namin. Wala akong pake, mag-eeskandalo pa ako rito lalo kung hindi niya pa rin ako papansinin.
"C-can we talk inside the car?" Bulong niya nung mapansin ang karamihan na pinapanood kami. Hindi ako gumalaw o tumango, hinayaan ko siyang hilahin ako papasok ng sasakyan niya.
"Sagutin mo ako. Hindi na ako makikipaglaro, King, kaya ayusin mo." Banta ko. Nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
My body temperature increased as I am so pissed right now. I was so dumb to notice it too late and I just want to hear his reason why he needed to lie about having a date with Artemis.
"A date with her did not exist, I never asked her... I never liked her romantically... and she can't be my girlfriend."
"Then why lie about it? Why did you want me to set up the f*****g show?!" My voice filled the car. I'm so worked up and irritated. Did I got played? King gritted her teeth and his jaw clenched.
"I want you to have a reason to stay with me." Napakunot ang noo ko. Ang sagot niya ang naging dahilan para mas lalo akong maguluhan.
"Really? May rason ba kung bakit kasama kita ngayon?"
"Yes, cause I still have the thing that you're after... the money."
He rose his gaze and our eyes met. I was astounded by how fragile his eyes are. I could see my reflection and I felt like i'm his most prized possession. I got calm... and embarssed. So he thinks that it was just all about the money?
Napatikom ako ng bibig at napaupo ng matuwid. Parang may biglang bumara sa lalamunan ko. Hindi ako tumingin sa gawi niya at itinuon ang mga tingin sa bintana.
"I want to give you the money from the very start, but I was afraid that you'll leave as soon as you get what you're after." His placid tone made my shoulders relax. I keep swallowing hard when his words hit me differently and I feel... guilty.
"What about Artemis? Is she an hired actress?"
"No... she's someone special to me." Napatingin ako sa kanya dahil sa pag-describe niya kay Artemis.
"Kaya pala ganoon ka tumingin sa kanya."
"Paano ba ako tumingin?"
"Like, para siya yung pinakamagandang babae na nakilala mo."
King force a chuckle because of what I said. It was a sarcastic... and painful one hell of a chuckle.
"Everytime I stare at Artemis, I feel adoration and... sorrow. She's the only friend that my sisters had."
"Sisters? Sabi mo only child ka."
"Yup, I had sisters, they're twins... until they both died."
Biglang umiba ang atmosphere. Parang bumigat na lang yung dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay King at pinapaikot-ikot nito ang daliri sa sterring wheel habang nakayuko.
"I-i'm sorry. You should have told me."
"Yeah, I should have."
Walang umimik at panay lunok ko dahil sa konsensya. I think we're the same. We both lost two special people in our lives. The only difference is our social status.
"May pupuntahan ka diba? Ihahatid na kita." Agad niyang pinaandar ang makina.
"S-sa Northville, nag-stay in muna ang kapatid ko roon." Tumango ito.
"King," tawag ko sa kanya sa kalagitnaan ng biyahe.
"Yeah?"
"Why do you want me to stay?" It took a while before he answered me.
"I like you."
.
"Donnah!"
"Elaine!"
Mahigpit ko siyang niyakap pagkapasok sa unit niya. Sumunod din sa akin si King at nais niyang ihatid kami pauwi para raw walang rason si Rachel para saktan kami.
"Elaine, si King pala. King, kapatid ko, si Elaine."
"Hello!" Kumaway si Elaine kay King at nakatangla. Psh, pandak. Ngumiti si King at parang nanigas sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang kapatid ko.
"Get inside the car. Ako na bahala sa gamit niyo."
"Tulungan na kita." Pagpupumilit ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
"Seriously, Don? You think I can't carry a single backpack with six clothes in it?"
"Edi si Elaine na lang pagbitbitin mo, tutal magaan lang naman!" Napabuntong-hininga siya bago sinarado ang unit at nilampasan ako.
Ay wow! May pa-I like you pa siya kanina tas ngayon, ma-attitude. Hayst, kahit hindi nagsisinungaling ang mga mata nun ay parang hindi pa rin ako kumbinsido na gusto niya ako.