A Normal Life

1057 Words
[Donnah's POV] Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pagkatuwa sa mga mata ng kapatid ko nung makapasok na kami sa Skoda ni King. Ganoon din ang naging reaksyon ko nung unang sakay ko. We don't have a car and I can't remember if we had one when our parents our still alive... I barely remember their faces. "Boyfriend ka ba ni Donnah?" Nanlaki ang mga mata ko nung tinanong na lang bigla ni Elaine si King. "Hoy, ano ang pinagsasabi mo?! Stop asking questions nga, Elaine. Don't mind her, King," inirapan ko si Elaine. Bigla akong kinilabutan sa tanong niyang iyun. "I like your sister. Kung hahayaan niya ako, liligawan ko siya." Napaawang ang labi ko at agad na napaharap sa kanya. He's chilling but so upfront. Seryoso ba siya? Tumawa ako... isang sarkastikong tawa para hindi niya mahalatang naging ilang ako sa kanyang sinabi. "No, no. Hindi ako magpapaligaw sa isang inosenteng kagaya mo." "I'm not innocent." "Yes, you are. We're both 18, but I feel like i'm ten years older than you based on experience," I smirked after saying that and he didn't said anything. Humalukipkip lang ako at hinayaang sakupin kami ng katahimikan. . "P-pasok kayo." Biglang namutla ang buong mukha ni Rachel nung tumambad sa kanya ang mukha ni King pagbukas ng pinto. Bumungisngis kaming dalawa ni Elaine at bumuntot kay King papasok ng bahay. "Pumasok na kayo sa kwarto niyo at iayos yang mga gamit," turo ni King sa hawak kong bag ni Elaine bago hinarap si Rachel para kausapin. "King, pwede ba kitang makausap pagkatapos niyo?" Tipid lang siyang tumango kaya dali-dali na kaming pumasok ni Elaine sa kwarto. "Big time pala si Kuya King, Donnah!" Namamangha niyang sabi pagkapasok. "Obvious naman sa pananamit nun." "Eh ba't ayaw mong magpaligaw doon? Swerte mo kapag siya ang naging boyfriend mo." "No, I can't have him as my boyfriend... delikado. You know that i'm not into serious relationships at pagdating sa relasyon ay hindi marunong makipaglaro si King." "So you're scared?" Umiwas ako ng tingin at tinalikuran si Elaine nung masasabi kong tama siya. My heart is afraid, especially to King who is so genuine, wise and brave. Natatakot akong dumepende sa kanya na hindi ko namamalayan, natatakot akong mahulog at baka hindi na ako makaahon. . Sumunod ako sa kanya sa labas dahil nais ko siyang kausapin tungkol sa perang napagkasunduan namin. "So ano na ang gagawin ko para makuha ko ang pera mo? Tutal palabas lang naman pala yung feeling-in love mo kay Artemis," humalukipkip ako at seryoso siyang tiningnan. "Quit your job as a vendor and pursue your dreams... that's all." Napaayos ako ng tayo sa kanyang sinabi. Hindi ako makapagsalita, hindi ko iyun inaasahan. How can he f*****g care about my dreams? I feel like i'm about to cry especially for the next words he said. "You can have a normal life like everybody else. I'll give you an allowance every week, both you and Elaine, and I also want your sister to go back to school. Bibigyan ko rin ng allowance si Rachel at babayaran ko ang lahat ng utang niya kapalit ng hindi niya pagsakit sa inyo. I will also give her a monthly paycheck to provide your needs including a proper meal, three times a day. I already talked to her about that and she agreed." Hindi ko maintindihan. Bakit niya ginagawa 'to? I know that he likes me but I don't think it's justifiable to risk something big like this. "W-why?" Napaiyak ako at napaupo sa daan. My heart can't contain all that he's doing for me and Elaine. "Because I care, Don. I want you to feel loved like no one else can. Gusto kong maramdaman mo ang pagmamahal na hahanap-hanapin mo," umupo siya sa harap ko at malungkot na ngumiti habang pinagmamasdan akong umiyak sa kanyang harapan. Akmang pupunasan na niya sana ang mga luha ko pero mabilis ko siyang niyakap at humagulgol. Nakaramdam ako ng isang klaseng init na sobrang komportable ako, init ng isang tahanan. "Inis na inis ako sayo ngayon. You're making me f*****g special and it scares me!" I cried so hard that I couldn't remember the last time I cried like this. King didn't said anything, he just let me cry while he caress my back. I wrapped my arms around him, so I can hug him tightly. I don't know how long we've been like that, but I suddenly snorted when his arms embraced me and his chin rested on my shoulder. "I cannot bare to watch you suffer anymore. Your prominence is always making me happy, you deserve more than this, Donnah... so much more." "I don't know how to thank you, King. Nobody has ever done something like this for me." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at masusing tinitigan, unti-unti siyang ngumiti at inilapit ang kanyang mukha sa akin bago binigyan ng halik sa noo. "I love you, Donnah Martinez, but I don't want to force you to feel the same way. Love yourself... and that's enough for me. Fly high, higher than the Mount Everest and i'll just stick to the ground, ready to catch you if you'd fall." . "Maganda ba?" "Sobrang ganda mo," puri ko sa kanya at napangiti ako nung mabilis niya akong niyakap na umiiyak. Elaine finally got her school uniform. It made her so happy. Sabay kaming papasok ng school ngayon, isa sa mga pangarap ko ay natupad na. Bumaba na kami sa kusina at natigilan nung makitang may nakahanda nang almusal sa mesa. Sinangag, itlog at chorizo. Tumingin ako kay Rachel pero agad lang siyang umiwas ng tingin pero bago siya makalabas ng kusina ay nagbilin siya sa amin, "yung baon niyong tanghalian nasa bag niyo na." Nakakagaan sa pakiramdam na mabuhay nang ganito... ang mabuhay lang nang normal katulad ng ibang estudyante. Meeting King was a blessing, he's my miracle. I stopped looking for hope when I was 12, the time when Elaine was forced to stop going to school. Akala ko ay makaka-graduate pa ako bago umayos ang buhay namin. I found a new purpose now because of him. I chuckled. My heart is scared to fall in love with someone like him who is too committed and genuine, but I guess, nothing is wrong to quit playing. I think it's time for me to grow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD