His Kiss

1044 Words
[Donnah's POV] Naging busy ang school these past few days dahil sa nalalapit na inter-high kaya wala kaming masyadong school works, yun nga lang, pagkatapos ng inter-high ay gugulatin na naman kami ng exam. "Pakopya!" "Huwag niyong i-remind si Ma'am mamaya sa assignment!" "Hala, ba't naging ganito ang answer?" Masyadong naging busy na yung iba kong mga kaklase ay nakakalimutan yung homework dahil sa panonood nila ng practice ng basketball team. "Hindi ka nakagawa?" Tanong ko sa isang kaklase ko. I've been observing her for awhile at sobrang tahimik niya. I realized that we're opposites. I'm an attention seeker and she's a loner nerd, but the thing we have in common is everyone hates us. Iniling niya ang kanyang ulo dahilan para mapangisi ako. Nagulat siya nung bigla na lang akong tumabi ng upo sa kanya. "Donnah nga pala, Donnah Martinez." "I know. Everyone in school knows you." Halos pabulong niyang sabi. "Ikaw? Ano ang pangalan mo?" I actually know her name. I mean, magkakaklase kami pero gusto kong kausapin niya rin ako. "Hannah Reyes," maikli niyang sagot. Gusto kong suminghap sa sobrang awkward pero ayaw kong mahalata niya iyun. "Here, copy my assignment. Don't worry, accurate yan," kinindatan ko siya at nilapag sa kanyang arm rest ang notebook ko. I kept in mind what King told me. Mag-aral nang mabuti at magsumikap. Above else, tigilan ko na ang pagbisyo. "Why?" "Oh, come on, don't be so dumb. It's obvious that I want to be friends with you!" "Why me?" "Cause you don't give a damn on how bitchy I am." Kinopya niya yung sagot ko at medyo napahiya pa ako nung pinakita niya sa akin na mali yung answer ko pero mabuti na iyun, at least sure yung sagot. I keep talking to her while we wait for the teacher. I want to pull that quiet spirit from her and crack her out of her shell. "So you mean, tayo ang pupunta roon?" "Yeah, nung last week pa sinabi sa atin ni Ma'am." Napaawang ang labi ko nung marinig na kailangang pumunta lahat ng estudyante ng Lakewood University sa kabilang school, para mag-cheer sa mga athletes at para rin tumulong sa pag-organize ng event. "Anong school ba?" "Keyyato Private Academy, nasa San Louis City ang school na yan." "Ganoon kalayo?!" Napatawa siya sa reaksyon ko. "Buddy-buddy tayo papuntang Keyyato since wala naman akong ibang kaibigan dito." Maluwag lang siyang ngumiti at tumango sa akin. Hindi siya madaldal pero mabuti na iyun na kinakausap niya ako nang komportable. . Napangiti ako matapos niyang maipanalo ulit ang laban. Seryoso ang kanyang mukha at tumutulo ang kanyang pawis mula sa hibla ng kanyang buhok. Naghiyawan ang mga tao nung itinaas niya ang kanyang kamao. "Idol ko talaga yan eh!" "Kaya ko siyang panoorin buong gabi!" "Walang kupas talaga si King!" Proud ako sa kanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng saya habang pinagmamasdan ko siya mula sa taas. Nung pumasok na siya sa gate ay mabilis akong tumakbo pababa sa locker room ng mga fighters. I quit being a vendor but through Ma'am Layla, I can freely get in and out dito sa Knight Ground. "What are you doing here?" Kumunot ang noo niya nung makita ako. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at napahinto nung makita ko ang topless niyang katawan sa malapitan. Napalunok ako dahil sa kaakit-akit niyang six-pack at mabilog na biceps. He noticed how distracted I was by his body, so he immediately grabbed his hoodie and put it on. "I told you not to step your foot in this arena again," he lectured and walk closer to me. "I'm sorry, I can't help it." "Why? Your business with this arena is done." "Hindi, pumunta ako rito kasi baka kako... na-miss mo ako," nanunuksong tinaas-baba ko ang kilay ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at binasa ang pang-ibabang labi niya. "Kinikilig ka, huwag mo nang itago." "You're just dreaming things." "So hindi mo nga ako na-miss?" Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Ngayon lang din ang time na meron ako para makita siya. Na-miss ko kasi siya, sa totoo lang. "Stop with the questions now, Donnah." Akmang magsasalita pa sana ako nung biglang may nagsidatingan. Natuwa ako nung makita ang mga kaibigan kong fighters. "Donnah!" "Buhay pa pala kayo," biro ko na ikinatawa nila. "Pasok pa rin Rank 50. Buti at napadalaw ka." "May dinalaw lang. Miss kasi ako ng isa rito." Nagsingisi sila nung bahagya akong sumulyap kay King na agad akong tinalikuran. He's embarrassed. "Donnah? Nandito ba si Donnah– Donnah!" Maam Layla look so relieved to see me, she hurriedly walked towards me. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na parang nag-aalala. "Bakit?" "Pinapatawag ka ni Boss Tom." "Bakit daw?" "May ino-offer siyang trabaho–" "She's not available. Tell him that King has her time." Biglang sumali si King sa usapan at namutla naman si Maam Layla dahil doon. Tumango siya at nakayukong umalis ng locker room. "Let's have dinner outside, shall we?" Kinagat ko ang labi ko nung maingat niyang hinawakan ang kamay ko papalabas ng Knight Ground. "Do you still have connections with Tom?" "Wala na. Matagal ko na siyang hindi nakikita. I'm actually wondering what job he was about to offer." "You don't need a damn job, Donnah." Binitawan niya ang kamay ko at walang pasabing pumasok sa kanyang sasakyan. Suplado, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Nakasimangot akong pumasok ng front seat. Tumingin ako sa kanya at diretso lang siyang nakatingin sa harapan. "Baka magpapa-good time siya, hindi naman trabaho ang hahabulin ko sa kanya." "Tsk," umigting ang panga niya. Hindi siya nagsasalita at parang biglang uminit ang leeg ko dahil sa tensyon na nararamdaman sa loob ng sasakyan. "B-ba't hindi mo pa pinapaandar–" I was about to ask him when I think he doesn't have any plan to start the car but I froze when I felt something soft on my lips. Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan at bahagyang nakapikit na ang kanyang mga mata at ang kamay niya ay nakahawak sa braso ko. I feel like i'm an innocent puppy. I've been kissed countless times but a kiss from him feels different like it's my first time. His kiss is making me feel alive that I happily respond.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD