"S...Sino ka??? Nasaan ako??? Help! Mom, Dad, where are you??" malakas na sigaw ni Barbara. Hindi nya alam ang tunay na pakay ng mga taong dumukot sa kanya. Isa lang ang naiisip niya ito ay kaaway ng pamilya nya sa negosyo.
Nang pagalain nya ang kanyang mga mata nakita nya ang paligid, puro karagatan. Nasaan ba ako? Sa Isla? At anong isla ba ito?? Punong puno ng katanungan ang kanyang isipan. Hindi nya malaman kong makakabalik pa ba sya sa lugar nila o hindi. Tanging pagtangis lang ang kanyang nagawa.
"Anyone help me. I can repay you. Please!!!" sigaw ng malakas ni Barbara, ngunit tila kahit mapaos sya ay walang makakarinig ng paghingi nya ng tulong.
Tanging sarili nya lamang ang makakatulong sa kanya sa ganitong sitwasyon.
Ilang saglit lang nang nakarinig sya ng mga tila yabag ng paa na patungo sa kanyang direksyon. Hindi nya alintana kong sasaktan sya ng mga ito. Buong tapang nyang pinatid isa-isa ang mga grupo ng kalalakihan na dumukot sa kanya.
"Abay! Gago! Pala talaga tong anak ng negosyanteng ito. Hindi ka ba talaga titigi? O baka gusto mo itong bala ng baril ko ang iputok ko sayo." tanong ng isang tauhan na nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Barbara. Nanginginig man ang tuhod ni Barbara, buong tapang syang tumayo at tumalon sa dagat. Marunong naman syang lumangoy at isa-isa nyang inalis ang tali sa mga paa nya.
Nasa ilalim sya ng dagat at alam nyang ligtas na sya. Nilangoy nya ng nilangoy ang dagat at hindi malaman kong saan ba sya pupunta. Malabo na syang makabalik pa sa kanila gayong malayo layo na rin ito ay hindi nya alam kong saang lugar ba sya dinala ng mga taong dumukot sa kanya.
Sa lakas ng alon bigla na lang syang tinangay at nawalan ng malay.
---
Samantalang maagang gumising si Cezar para manghuli ng isda na ipapang lalako nya sa palengke. Tanging ito lamang ang bumubuhay sa kanya. Hindi sya nakapag tapos ng high school man lang. Naulila kasi sya ng maaga at tanging sarili na lamang nya ang kanyang inaasahan. Inayos nya lang ang mga kagamitang kakailanganin nya sa pangingisda. Ang lambat at ang pain para sa mga isda na mahuhuli nya. Naniniwala kasi sya na kapag maagang manghuli ng isda mas maraming huli.
Nag tingin muna sya sa maliit nyang kusina kong may makakain ba sya bago mangisda sa dagat. Aabutin na naman kasi sya ng tanghali panigurado yun. Lalo na kapag napapasarap sya sa paghuli ng mga isda. Naging libangan at trabaho na nya ang pangingisda.
Naglakad sya palabas ng bahay nya patungo sa dagat. Mahigit dalawang oras ang gugulin nya makarating lamang ng dagat. Medyo malayo sa baryo nila ang dagat kong saan sya nangingisda.
Hindi nya alintana ang lamig ng panahon, dahil sisikat pa lamang ang bathalang araw. Nakasanayan na rin nya na maagang mangisda para maipagbili nya pa ng sariwa ito sa bayan. Habang naglalakad sya patungo sa dagat nakasalubong nya ang kanyang kumpare na si July. Bitbit rin nito ang kanyang pamingwit.
"July, tila napa aga ka yata. Hindi ka ba naka inom kagabi? Balita ko ngay marami kang bisita sa birthday mo." tanong nya sa kanyang kumpare habang naglalakad silang dalawa patungong dagat.
"Oo, pare hindi naman nagpunta sa birthday ko. Magtatampo na ako sa inyo nyan, last year din hindi ka nagpunta. Ang lapit mo lang naman sa bahay." giit nito na parang nagpapahiwatig ng pagkakatampo sa kanya.
"Pare, alam mo namang wala akong maihahandog sayo. Parehas lang tayong mangingisda at umaasa sa mga huli natin para may pangtawid gutom tayo sa araw-araw." sagot nya sya kumpare para hindi na ito magtampo man lang.
"Naku! Pare, hindi mo naman kailangang magbigay pa sa akin ng kong anu-ano. Marami namang handa si esmi at tiyak namang kasya yun. Nagbalot pa nga ang iba. Sa susunod pumunta ka. Birthday ng inaanak mo sa makalawa. Pumunta ka kahit wala kang maibigay sa amin." paanyaya ng kanyang kumpareng si July.
Napapaisip tuloy sya kong ano na naman ang idadahilan nya sa kaibigan. Gayong hindi na naman sya pupunta sa mga ganong okasyon. Nahihiya kasi sya at wala man lang syang bagong damit na susuotin. Tatatlong piraso lang yata nga ang damit nyang paulit ulit na sinusuot at halos mag butas butas nga ito sa pagkarupok.
Nang makarating sila ng dagat kanya kanya ng sakay sa bangka para makapalaot na. Naunang pumalaot si July at nagmamadali raw sya na makabalik sa kanyang asawa.
"Pare, mauna na ako sayong pumalaot at naghihintay ang esmi ko." anya.
"Sige, lang pare. Mag-aayos lang ako ng bangka.
Habang inaayos nya ang kanyang bangka. Gulat na gulat sya sa kanyang nakita. Napatigil sa ginagawa at dahan dahang lumapit sa nakalutang sa tubig malapit sa pampang. Napahawak sya sa bibig ng makita ang isang bulto ng tao na palutang lutang sa tubig. Hindi nya alam ko ito bay buhay pa. Lumapit pa sya ng kaunti hanggang makita nya ito ng malapitan. Isang babae ang palutang lutang sa dagat. Kaagad nya itonh binuhat at dinala sa pampang. Inihiga nya ito sa may buhanginan. Nakita nya ring may tama ang ulo nito at may dugo sa parteng noo nito. Kaagad nyang pinulsuhan ang babae at napangiti sya ng malamang may buhay pa ito.
Nagmamadali syang tumawag ng tulong bitbit ang babaeng kanyang napulot. Dinala nya ito sa malapit na klinika sa Isla. Naalala nya na may medical mission sa kanilang lugar at may mga mang gagamot na mula pa sa Maynila.
"Tulong!! Tulungan nyo po kami." sigaw nya para may makapansin sa kanya. Alam nyang sa mga oras na yun ay nagpapahinga pa ang mga manggagamot.
Naupo sya sa may mahabang silya at tumatangis. Hindi nya gustong pabayaan ang babaeng tinulungan pero, bigla syang nakaramdam ng takit na baka pag gising nito ay mapagkamalan pa syang masamang loob. Nang iiwan na nya sana ang babae saka naman may lumabas na mang gagamot mula sa bahay na tinutuluyan ng mga ito. Kaagad na lumapit ito sa kanya at nagtanong.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng manggagamot. Hindi kagaad sya nakapag salita at nakasagot sa tanong ng manggagamot, dahil hindi nya rin al talaga ang nangyari sa babaeng kanyang tinulungan.
"Kuya, uulitin ko anong nangyari sa kanya? Magsalita ka paano ko sya matutulungan." ani nito. Na parang maiinis pa yata sa kanya.
"N-Natagpuan ko sya sa na palutang lutang sa dagat. Dinala ko sya dito, dahil may naramdaman pa akong pulso nya.
"Sige, maari mo ba syang buhatin at ipasok sa loob para mas matingnan ko sya at magamot ang mga sugat nito sa katawan."
"S-Sige, nauutal at kinakabahan na sagot nya sa manggagamot.
Binuhat na nya ang babae patungo sa loob at maingat na inihiga sa kama.
"Salamat, maaari ka ng lumabas muna at tatawagin na lamg kita kapag kailangan kita." bilin ng manggagamot bago sya tuluyang lumabas ng bahay.
Napaupo sya sa mahabang silya at nagdarasal na sana buhay pa at maisalba ng manggagamot ang babaeng kanyang tinulungan.