Kabanata 2

1004 Words
Naghihintay sya ng tawag ng manggamot sa labas, sapagkat ayon ang bilin nito sa kanya ang manatili sa labas. Ilang oras na syang matyagang naghihintay bago ito lumabas at saka sya tinawag. "Halika lumapit ka dito at bantayan mo muna ang pasyente mo. Kailangan natin syang madala sa bayan para maipagamot at mapatingnan ang sugat sa ulo nya." wika ng manggagamot. "Sige, sige po." mabilis na tugon nito at lumakad papasok sa loob. Doon nya unang nasilayan ang klarong mukha ng babae na nakita nya sa pampang. Napaka amo ng mukha niya, may makinis ring mga balat at mamula mula rin ang pisngi nito. Halatang mayaman ang babaeng kanyang natulungan. Nang kumilos ito at dumilat nagtama ang kanilang mga mata at sa unang beses nakaramdan agad ng kakaiba ito. Tila napukaw ng babae ang nahihimlay nyang damdamin. "S-S-Sino ka?? N-Nasaan a-ako??" nauutal at nahihirapang magsalita ito habang nahawak sa ulo niya. Aray! Aray! Ang sakit, sobrang sakit. Tulungan mo ako, hindi ko na kaya." dagdag pa nito na naiiyak na. "Teka! Teka, lang. Tatawag ako ng doktor, sandali lang Miss--" Naglakad ito palabas ng kwarto at pagbalik nya kasama na ang doktora na gumagamot sa babae. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Miss---" "M- M- Maayos naman po ako. Wait, anong lugar po ito?" tanong nya. "Nasa Isla ka at sya ang naka kita sayo sa pampang. May naalala ka ba bago ka napadpad dito?" tanong ng doktor sa kanya. Nagpalipat lipat ng tingin ang babae bago ito magsalita. "H- H-Hindi ko alam at hindi ko rin malala ang pangalan ko at kong taga saan ako.." pagsisinungaling nya. Ayaw na kasi ni Barbara na matunton sya ng mga taong dumukot sa kanya. Gusto nya munang matahimik ang kanyang buhay. "Ganun ba, may amnesia sya." wika ng doktora. "A-A-Amnesia?? Ano po ba yon, dok?" nagtatakang tanong ni Cezar, ngayon lang niya kasi narinig ang salitang yon, english pa man din kaya talaga hindi nya alam. "Amnesia, isa itong sakit ng pagkalimot sa maraming bagay, katulad na lang ng kanyang pangalan, eda, tirahan at kong ano pa. May mga bagay rin na nakalimutan nya katulad ng nakaraan nya at kong saan sya nang galing." paliwanag ng doktora para mas maintindihan pa ni Cezar. "A-Ah! Gano po pala yon, dok. Teka, gagaling pa ba sya? Paano ko sya maibabalik sa pamilya nya kong wala siyang natatandaan." tanong ni Cezar na pakamot kamot pa ang ulo. Napatanong na rin naman si Barbara. "Doktora, babalik pa ba ang memories ko?" tanong nito na parang maiiyak na sa sinapit nya. Pakiramdam nya ng oras na yon ay kawawa sya. "Hindi ko pa masasagot yan, ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo. Kapag may mga changes kang nararamdaman bumalik ka lang dito ha. Open, naman kami 24/7. At naryan naman si pogi tutulungan ka nya. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong nito kay Cezar. "Ako po dok?" "Oo--" "Cezar po." sagot nito sabay yuko na halatang nahihiya sa doktora na nakausap. "Oh! Siya, paano maiwan ko muna kayo at may aasikasuhin pa din ako." ani nito na naglakad na palabas ng pintuan ng kwarto. "Salamat, dok." pahabol na pasasalamat ni Barbara sa doktora. "Paano ba yan, Miss ganda na lang ang itatawag ko sayo o Tisay. Hindi natin alam ang tunay mong pangalan. Gustuhin man kitang iuwi sa inyo pero, hindi mo naman maalala kong taga-saan ka." "Sorry, pwede mo bang patirahin na lang muna ako sa house nyo. I can repay you na lang kapag alam ko na kong saan ako nakatira o kong bumalik agad ang ala-ala ko." ani ni Barbara. "Ok, lang naman ganda kong gusto mo munang tumuloy sa aking bahay. Ang kaso lang pangit ang bahay ko." sagot ni Cezar. "It's ok with me. Ang mahalaga may matutulugan ako." sagot ni Barbara dito. "Sige." MAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW Naka uwi na sina Barbara at Cezar sa bahay nito. "Pasok ka, pasensya na kong maliit lang ang aking bahay." aniya. Pero, may papag ako dito na pwede mong tulugan para hindi ka naman mahirapan na matulog sa lapag." Pinagala ni Barbara ang kanyang mga mata sa paligid. Maayos naman ang bahay nito, medyo maliit nga lang pero, ayos na rin sa kanya ito. Ayaw nya nyang umalis muna dito kaya papanindigan niya na may amnesia sya. Hindi kasi sya makakasugurado kong hindi na sya susundan pa ng mga dumukot sa kanya. "Ayos ka lang ba? Maupo ka muna, at ipaghahanda kita ng makakain." Naupo naman si Barbara sa kahoy na upuan at habang pinagmamasdan ang lalaking nagpakilalang Cezar ang pangalan. Napaka gwapo nito at matipuno rin ang pangangatawan. Nag-isiip sya kong may asawa ba ito o girlfriend man lang. Napanganga siya ng naghubad ito ng suot na sando at humarap sa kinauupuan nya. Kitang kita ng dalawang mga mata nya ang mga pandesal nito. Hindi tuloy nya namalayan ang pag lapit nito. "Ganda, ayos ka lang ba?" tanong nito sa kanya. "O-Oo naman." sagot ni Barbara, sabay yuko ng kanyang ulo sa labis na kahihiyan. "Heto ang pritong isda, pasensya na baka hindi ka nakain nito." "Kumakain ako nyan saka ng footlong." sagot ni Barbara ng makitang bakat ang paglalak* nito sa suot na short. "A-Ano yon, ganda?" tanong ni Cezar na hindi na gets ang gustong sabihin nito. "I mean, ok na to." sagot ni Barbara. Naupo na si Cezar malayo dito at naiilang pa rin sya sa babae. "Oh! Bakit, nandyan ka. Ayaw mo ba akong katabi?" tanong nito na nagsalubong na ang kanyang kilay. "H-Hindi naman sa ganon. Baka lang gusto mo ng walang katabi. Ayos naman ako dito sa lapag." sagot ni Cezar. Tumayo si Barbara at dinala ang plato nito at naupo sa tabi ni Cezar. "Kong ayaw mo sa table, dito na lang rin ako kakain sa tabi mo." sagot ni Barbara. "Naku! Ganda, hindi ka bagay sa lapag. Sige na bumalik ka na sa lamesa at doon ka kumain para mas kumportable ka." sagot nito sa kanya. Ngunit hindi nagpatinag si Barbara at hindi man lang tumayo ito sa kinauupuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD