Chapter 1 : what just happened!?
"Rayven..."
"Ma?" Naglakad ako palapit sa kanya na ngayo'y nakaupo sa kusina. Bakas sa mukha ni mama yung pagkalungkot.
"May problema ba ma?" Tumingin sakin si mama na namumuo ang mga luha sa mga mata.
"Ma, okay kalang?" Sabi ko at umupo sa upuan sabay hawak sa balikad nya.
"Nak, sorry. Hindi na natin kakayanin yung pag-aaral mo sa Green Forest University..." sabi ni mama sabay takip ng mga kamay sa mukha.
"Pero Ma, isang taon nalang ga-graduate na ko ma. Alam mo naman ma na pangarap ko na makapagtapos sa GFU diba? Anong nangyari ma?" Sabi ko na naguguluhan parin at naiiyak na, pakiramdam ko gumuho lahat ng pangarap ko.
"Anak, hindi na natin kakayanin.. nalulugi na ang business natin, tatlong buwan anak, tatlong buwan para makasama at makapagpaalam ka sa mga kaibigan mo sa eskwela, pasensya na anak simula kasi ng mawala na ang Papa mo---
Pasensya kana talaga anak. Kailangan mong lumipat sa public school." Sabi ni mama na hindi na napigilan pang umiyak.
Napayakap nalang ako kay mama habang umiiyak, hindi ko naman masisisi ang mama kung malugi ang business namin dahil una sa lahat si papa lang talaga ang humahawak ng business namin. Apat na buwan narin ang lumipas ng mamatay si papa sa lung cancer halos lahat ng naipundar at naipon namin ginamit namin sa pagpapagamot kay papa.
Alam ko masakit pero kailangan ko ring intindihin si mama nawalan sya ng katuwang sa buhay, halos lumubog din kami sa utang kaya naman kahit masakit sa damdamin ko kahit ayoko man tanggapin kailangan kong intindihin at lunukin yung matagal ko ng pangarap.
Ako si Rayven Dimaano isang 4th year student sa Green Forest University o GFU, isa sa pinaka kilalang unibersidad sa Pilipinas at kasali sa Top 10 best school in the world halos lahat na siguro ng mga estudyante pangarap na makapag-aral dito at dito makapagtapos dahil sa pangalan ng school, madaling makakahanap ng trabaho ang mga estudyanteng gruaduate dito sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Nasa Faculty of Engineering ako, isa akong chemical engineering student. Isang taon nalang sana 5th year nako at ga-graudate na pero mukang hindi nayun mangyayari.
Humiga ako sa kama ko ng patagilid habang nakatingin sa nakabukas kong lamp shade at sa paanan nito ay ang picture namin nila Mama at Papa.
Nang biglang tumunog yung cellphone ko. Chat mula sa taong hindi ko kilala pero tatlong taon narin kaming magkachat nitong taong to simula ng i- launch ng school ang chatapp, syempre nauso rin yung mga account na discreet tulad ng sakanya, kaya hanggang ngayon hindi ko parin sya kilala pero alam namin na parehas kaming lalaki, siguro wala lang syang magawa o walang makausap kaya pinagtyatyagaan nya kong kausapin sa chat. Tinignan ko lang kung sino yung nagchat pero hindi ko binasa at natulog nalang.
Kinabukas maaga akong pumasok sa school gusto ko kasing sulitin yung natitira ko pang sandali dito sa GFU. Nasa labas pako ng campus ng marinig ko ang isang tinig sa likod ko boses ng babae.
"Venray! Venray!" Nako alam ko na kung sino tong tumatawag sakin, sya lang naman yung kaisa isang taong tumatawag sakin ng ganyan si Mae, Mae Catli ang kaibigan ko since freshmen.
"Huy ano ba! Di mo ba ako naririnig!? Tinatawag kaya kita!" Sabi nya habang hila hila yung bag ko.
"Nagawa mo na ba yung pinapagawa satin sa thermodynamics? Nako ako ha, hindi ko pa natapos nakisabay pa kasi yung General psychology natin grabe kung bakit kasi may minor parin tayo hanggang ngay----aray!" ani ni Mae, Napahinto kasi ako sa paglalakad habang nagsasalita siya kaya naman bumangga yung mukha nya sa bag ko sa likod.
"Ano ba! Bat ba bigla bigla ka nalang humihinto!" Nakatingin lang ako sa di kalayuan.
"Ahhhh.... si Jhan Airel Gonza yan." Tumingin ako kay Mae na parang naguguluhan.
"Ah ano ba? Kung yung tinitignan mo na gwapo si Jhan Airel yun."
"Sira! Hindi sya yung tinitignan ko, tinitignan ko yung ginagawa nila. Tignan mo kakahiyan yan satin mga engineering students, anong kala nila highschool parin tayo? Hanggang dito nang bu-bully parin sila ng mga estudyante."
"Wag kang maingay baka may makarinig sayo, tara na! Umalis na tayo baka mapagdiskitahan pa tayo ng mga yan, wala tayong laban dyan Gonza ang apilyedo nyan isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipnas."
"Kung mayaman sya, bakit nya ginagawa yan? Feeling nya ba siya yung may-ari nitong school at ng mundo!?"
"Beh, half naman ng share sa school sakanila kaya technically speaking half ng school sila may ari."
Tumingin lang ako ng masama kay Mae sabay tumingin ulit sakanila.
"sorry-sorry-- tatahimik nalang ako, tara na! baka makita pa nila tayong nakatingin sa kanila!" yaya ni Mae sabay hila sakin.
bago pa kami makaalis sa kinakatayuan namin nagtama pa yung mga mata namin nung Jhan Airel, pero iniwas ko agad yung tingin ko dahil ayoko ng mapasama ako sa g**o, sa natitira kong araw dito.
hindi ko lang talaga maintindihan yung mga ganung tao, galing naman sila sa mga desenteng pamilya, sa mayayamang pamilya. pero hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? bakit kailangan pa nilang mang apak ng tao? porket ba hindi lumalaban sakanila? porket ba mas mataas ang antas ng pamumuhay nila? lahat naman kami dito pare-parehas lang ang binabayad na tuition eh, so hindi ko talaga sila maintindihan.
buti nalang nasa ibang major sila kung hindi, hindi ko alam kung pano ako makakapag-aral ng maayos kung may mga hambog akong kaklase tulad nila. buti nalang mababait mga classmates ko sa block namin at lalo na sa major namin.
hindi ko ba alam kung bakit ito yung napili kong field of study, siguro dahil sa impluwesya narin ni papa kaya kahit halos matunaw yung utak ko sa mga course namin sa awa ng dyos nakakaraos ako, tulad nalang ngayon feeling ko mababaliw nako sa pagkatapos ng lessons namin.
*tit tumunog yung cellphone ko may nag chat. tinignan ko agad kung sino yun at nakita ko yung black na picture si Fault na naman yung nagchat.
pero hindi ko pinansin yun, inisip ko muna kung ano yung irereply ko sa chat nyang kamusta na.
"huy! naintindihan mo ba yung lesson kanina? grabe wala akong naintindihan" sabi ni Mae magkatabi kami ng upuan nasa right side ko lang sya. pero hindi ko rin sya pinansin.
"sa tingin mo, sino kaya to?" tinignan nya yung screen ng cellphone ko.
"ohmygad! magka-chat parin kayo nyan hanggang ngayon!?" tumingin ako sakanya at tumango bilang pagsagot ng oo.
"nako ang tagal nyo ng magkachat hindi mo parin kilala kung sino yan?! baka naman may gusto sayo yan, nahihiya lang sayo."
"baliw! sino naman magkakagusto sakin!"
"ang baba talaga ng self esteem mo bes! hindi mo ba alam maraming nagkakagusto sayo lalo na dito sa faculty natin, alam mo naman malimit lang sila makakita ng babae sa engineering sa itsura mong yan, ang puti mo ang ganda ng labi mo ang kinis mo, e kung mag susuot ka nga ng wig baka mamaya mapagkamalan kapang babae kesa sakin eh!"
"nako! ewan ko sayo puro ka kalokahan!" sabi ko sabay baba ng cellphone sa desk ko.
"akina nga yan!" sabi ni Mae sabay kuha ng cellphone ko.
"huy anong gagawin mo!?"
"basta, palitan natin tong account picture mo hanap tayo sa engineering handsome face, tignan natin kung magseselos tong kachat mo"
"huy! wag mamaya dito lang din yan sa faculty natin eh tapos kilala nya pa yung makuha mong picture" sabi ko sabay tinangka kong kunin yung cellphone ko pero hindi yun binigay ni Mae.
"ako bahala maghahanap ako ng hindi nakikita yung itsura yung mga naka-side view oh nakatalikod hahaha, isa pa muka namang sa faculty of science tong kachat mo oh! baka IT yan."
"pano mo naman nasabing IT yan eh hindi nga natin kilala kung sino yan!" sabi ko
"eh sino bang nagpipicture na black yung background tapos may mga number na green sa background eh diba mga IT lang naman, basta ako bahala! oh ito nakatalikod konti hindi nakikita mukha didiliman ko pa para walang makakilala, ayan upload! then palitan natin yung status mo na in relationship, diba! ganyan lang kasimple!"
"huy baliw ka talaga Mae baka mamaya ano pang mangyari dyan, mamaya magalit yung may -ari ng picture nayan eh iisipin nya na feeling ko jowa ko sya! tanggalin mo na!"
"ano kaba! kahit ngayon lang tapos bukas palitan narin natin, tignan lang natin kung ano yung magiging reaksyon ng ka-chat mo hahahaha"
"bahala ka nga dyan! pag may nangyari dyan ikaw ang sisisihin ko ha!" pagbabanta ko kay Mae.
Pagkatapos nun umuwi nako sa bahay bago ako natulog ginawa ko muna yung mga excercises na binigay samin kanina kaya naman ng magising ako kinabukasan medyo pagod pako.
Nagmadali rin akong mag ayos para pumasok baka kasi ma-late ako, medyo napasarap kasi ang tulog ko.
Nang naglalakad nako papasok ng school nagtaka ako kasi nakatingin lahat sakin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sa building namin, sa faculty of engineering, teka? Pinag uusapan ba nila ako?! hanggang sa makaupo ako sa desk ko, yung mga klasmeyt ko nakatingin din sakin, hindi naman sila ganito. Ano ba nangyayari?
"Ohmygad! Venray!" Natatakot na sabi ni Mae pagdating nya.
"Sorry!" Dagdag pa nya.
"Bakit? Ano bang nangyari? Bakit parang lahat ng nakakasalubong ko nakatingin sakin? May nagawa ba ako?" Naguguluhan kong sabi nang biglang bumukas ng malakas yung pinto at agad naman kaming napatingin.
Si Jhan Airel at ang apat nyang alipores na lagi nyang kasama sa pangbu-bully.
"Sino nga ulit yung gumanit ng picture ko!?" Pagalit na sabi ni Jhan Ariel, nanlaki agad yung mga mata ko at agad na napatingin kay Mae.
"A-anong ginawa mo! Baka ako yung tinutukoy nya ha, ako lang naman yung gumamit ng picture ng iba." Natataranta kong bulong kay Mae sabay tumingin ulit sakanila na handa ng mang bugbog. Pota naman! Ano ba tong napasok ko!!!!!