Chapter Two Ashley’s Point of View "Dad, sub muna ‘ko!" sabi ko sabay punta sa gilid Nandito kasi kami sa covered court malapit sa bahay nila Tito Gabby. Kumpleto na naman ang barkada nila Dad after ng matagal tagal na hindi pagkikita. Pare-pareho kasi silang mga busy. Kanina kami-kami lang magkakalaban.Walo kaming mga lalaki kaya 4 vs. 4 kami kanina. Sinali si Joshua (bunso ni Tito Yvo). Kahit ang liit liit pa no’n. Kaso may mga dumating na mga ‘mukhang gangster na tambay’. Nanghamon ng pustahan. Si Tito Yvo pumusta agad ng isang libo, eh mukhang wala namang isang libo ‘yong mga kalaban namin. "Ano na? Anong pusta niyo?" tanong ni Tito Yvo "Chill lang Pre, pusta pa lang pini-pressure mo na agad sila?" sabi ni Dad "Eh hamon ng hamon, wala naman palang pangpusta eh." sagot

