Chapter Three Ella’s Point of view Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula no’ng umalis ako sa Pinas. Nagsimula na kaming magtraining. Sumali kami sa contest dito sa Paris. Fortunately, pasok ako sa 5th place. Out of 30 contestants, panglima ako. Not bad di’ba? Pero siyempre, I need to practice more. Marami pa kong hindi alam. Marami pa akong dapat matutunan at matuklasan. Iba't iba ang panglasa at trip ng bawat tao. Hindi mo kailangang alamin ang buong istorya ng buhay nila, para lang mahuli ang panglasa nila. Minsan kailangan mo lang alamin kung ano ba ang pagkain na pwedeng magpagaan sa mood nila. Or pag aralan mo ‘yong kultura ng mga taong kakain ng niluto mo. Dahil hindi lahat ng tao eh kagaya nating mga Pilipino. May mga bagay silang ayaw, na gusto natin. At minsan gano’n r

