TWENTY-FOUR Kinabukasan paggising ni Xiello ay wala na sa tabi niya si Thad, tiningan niya kung anong oras na at nakahinga siya ng maluwag nang makitang may dalawang oras pa siya para mag-ayos. Bumaba siya ng kama at tatawagan na sana niya si Minerva para ihatid na lang ang ilang gamit niya dito nang mapakunot-noo siya at mapansin ang dalawang malaking maleta na pamilyar sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagtatakang lumabas ng kuwarto, sinuyod agad ng mga mata niya ang buong kabahayan upang hanapin si Thad ngunit nabigo siya. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa kusina kaya doon siya nagpunta, hindi niya naiwasang mapataas ng kilay nang makita si Thad na abala sa paghuhugas ng mga pinggan, wala itong suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lang ang suot nito.

