TWENTY-FIVE “I will pick you later, so call me when you’re photo shoots are done . . . please?” masuyong saad ni Thad sa kanya. Huminga siya ng malalim at walang nagawa kundi tumango. Kailangan na nilang mag-usap, hindi puwede sa kanya ang ganitong uri ng relasyong namamagitan sa kanilang dalawa. Mayroon nga bang namamagitan na sa amin? “Okay, I’ll call you. Bye,” sabi niya at mabilis na binuksan ang pinto nang sinasakyan niyang kotse. Pagkababa ay kaagad niya iyong isinara at naglakad papasok ng gusali, sinubukan niyang huwag itong lingunin ngunit para naman siyang tangang niloloko ang sarili niya. Bakit ba kasi niya kailangang pigilan ang sarili niya?! Mabilis ang ginawa niyang paglingon at nagtama ang kanilang mga mata, ngumiti sa kanya si Thad. Dahan-dahan s

