TWENTY Wala pang alas siyete ng gabi ay dumating na si Thad, mabuti na lamang at nakaligo na siya at naghahanda na nag susuotin kaya hindi na ito masyadong naghintay pa sa kanya. Simpleng A line Dress na kulay puti ang isinuot niya at hinayaan niya lang nakalugay ang hanggang balikat na niyang buhok. “Saan mo ba ako balak dalhin?” tanong niya nang makasakay na sila sa kotse nito. “It’s a surprise too,” nakangiti niton turan sa kanya. “Fasten your seatbelt, please?” Inirapan niya ito bago sinunod, hindi na rin siya nagtanong dahil alam niyang wala ring kuwenta iyon. Alam niyang hindi niya rin ito mapipilit at kahit anong gawin niya ay hindi nito sasabihin sa kanya ang totoo. Halos isang oras din silang nagba-biyahe bago ito pumasok sa isang malaking gate. Nakarating na p

