SEVENTEEN Kinabukasan paggising ni Xielo kinabukasan ay nasa hapag-kainan na ang tatlong kasama niya sa kanyang Condo. “Good morning, hun. Are you okay, already?” nakangiting tanong ni David sa kanya. “Good morning, David,” bati niya rin sa kanyang Manager. Kumuha siya ng tasa at saka nagtimpla ng sarili niyang kape. Kahit na hindi niya tingnan si Thad ay alam niyang nakatingin ito sa kanya at tahimik siyang sinusuri. “Come here and let’s eat. We have a lot to discuss, after,” tawag sa kanya ni David. Huminga siya ng malalim at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Minerva. Inalok siya nito ng sinangag saka inabutan rin ng ham at hotdog. “Thank you,” sabi niya at tahimik na kumain. Kumain silang apat na walang kibuan at nagpapakiramdaman lang. Wala siya sa m

