EIGHTEEN Pagpasok nila sa venue ay hindi niya napigilang mapahawak sa siko ni Thad, bigla siyang kinabahan at parang bago sa kanya ang mga ganoong pagkakataon, nasa entablado na at nakaupo sa mahabang sofa ang kanyang Mangaer at si Miss Damian habang ang mga reporters ay nakatingin sa kanya at sa kanyang kasama. Pinilit niyang umakto ng normal at hindi nagpahalatang kinakabahan, inihatid siya ni Thad hanggang sa entablado saka ito bumaba at tumabi kay Minerva sa ibaba lang ng stage. Tinanguan siya ni Thad at nginitian, huminga siya ng malalim at humarp na sa mga reporter. Halata sa mga mukha ng mga ito ang kagustuhang tanungin na siya ngunit nagta-tiyaga ang mga itong maghintay ng tamang oras para sa pagtatanong. “May hinihintay pa ba tayo?” hindi niya natiis na magtanong pa ka

