THIRTY “Are you going out again?” nakataas ang kilay na tanong ni David sa kanya. Nagkakamot ng ulo siyang ngumiti. “Not exactly, nagluto ng dinner si Thad sa bahay at gusto niyang umuwi ako ng maaga,” sagot niya rito. “And we’re not invited?” tanong ulit nito. Umiling siya. “It’s special. It’s our first month of being together,” sagot niya. Ang bilis lumipas ng panahon, isang buwan na simula nang mangyari ang mainit na aminan nilang dalawa ni Thad. Simula nang sagutin niya ito ay talagawang wala itong sinayang na na panahon para ipakita ang pagmamahal nito sa kanya. Bumili ito ng Penthouse at inaya siyang doon na rin manirahan, hindi naman niya iyon tinanggihan dahil hindi pa rin siya tinitigilan ni Jules. Naging stable naman ang pagbabalik-modelo niya at kabi-kabi

