TWENTY-NINE Ramdam na ni Xielo na marami na siyang nainom, nagiging magaslaw na ang kanyang galaw gayunpaman ay ayaw niya pang matapos ang gabing iyon na magkasama sila ni Thad. “Siguro masayang kasama ang mga kaibigan mo, ‘no?” natatawang tanong niya rito. Umiling ito sabay nang pag-iling. “I won’t let you. Loko-loko ang mga iyon, palibhasa wala pang nahahanap na magpapatiklop sa kanila,” natatawang sagot nito. “At sa’yo meron na?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. Tumango ito at nakangising tumingin sa kanya. “Simula nang dumating kang muli sa buhay ko, binago mong lahat, maging ang aking mundo.” Napangiwi siya. “That’s . . . huwag mo nang uulitin iyan.” Nakangiwing sita niya rito. Natawa naman ito. “Why? Hindi ba’t doon ka nga nainlove sa akin?” nakangi

