*** “Okay, I’ll do it,” walang gatol na sabi ni Thad. Kahit na inaasahan na ni Xielo ang magiging sagot ng binata ay nalaglag pa rin ang panga niya at hindi makapaniwala. Sumang-ayon agad ito na hindi man lang nagtanong o humingi ng paliwanag. Nagkatinginan silang dalawa ni Simon at parehas na nasa nakarehistro ang pagkagulat at pagkamukhsa mga mukha nila. “When do I start?” tanong pa nito na prenteng umupo sa harap niya. Hindi na siya nakatiis at tumayo saka matalim ang tinging ipinukol sa mga mata nito. “Can I talk to him for a minute?” tanong niya kay Simon. Ipinilig niya ang papunta sa balkonahe at naunang maglakad papunta doon, alam niyang nasa likod niya lang ito at tahimik na nakasunod sa kanya. Papalubog pa lang ang araw at mula sa kinaroroonan niya ay kitan

