C. TWELVE “Xie, honey! Oh, God, I missed you!” mabilis siyang nilapitan ni Simon nang makita siya sa waiting area sa loob ng Airport. Wala sana siyang balak sunduin ito ngunit wala siyang ibang choice kundi katagpuin agad ito dahil sa dami ng mga nangyari nitong mga nakalipas na araw. Napilitan siyang umalis sa simpleng restaurant na iyon nang araw ding mismo na dinalaw siya ni Thad. Ayaw pa siyang payagan ng mga ito ngunit nang ipagtapat niya sa mga ito ang lahat ay naintindihan naman ng mga ito ang pag-alis niya. Agad siyang bumaba ng Bagiou bago pa man maisipang bumalik ni Thad at guluhin na naman sya, hindi pa siya handang harapin ito at sobrang gulo ng buhay niya ngayon kaya kailangan niya munang ayusin iyon. “Let’s go, and I don’t want to get any attention of anyo

