C. ELEVEN Seryoso?! Wala ba talaga siyang karapatan na maging masaya? Parang binigyan lang siya nang panandalian na bakasyon at maramdaman ang kalayaan bago kunin ulit iyon sa kanya at bawiin. Tumunog muli ang cellphone niya at isang bagong number ang nakarehistro doon, nagsalubong ang kilay niya at hindi sinagot ang tumatawag. Ang nasa isip niya ay si Thad ang tumatawag sa kanya at wala siyang panahon para makipag-away pa rito. Hindi tumigil sa pag-ring ang cellphone niya at nakailang patay na rin siya pero parang wala itong balak sumuko at tantanan siya. Sa huli ay inis niyang dinampot ang cellphone niya at pagalit na nagsalita. “I told you I don’t want to talk to you, Thad! Leave me alone!” gigil na saad niya sa lalaking nasa kabilang linya. Wala siyang narinig na sa

