THIRTY-FIVE Mabilis na nagdaan ang mga araw para kay Xielo at ngayong araw ang pag-alis nila papuntang Bagiou. Gaya ng kanyang inaasahan ay hindi na sumama pa si David sa kanila, mas gugustuhin daw nitong manatili sa Manila kaysa ang sumama sa kanila ngunit nangako naman itong susunod kapag dumating ang araw ng kasal nila ni Thad. Excited siyang makita ang kaibigan niya at ang mga anak nito na ilang buwan din niyang hindi nakita at nakasama. May plano rin siyang puntahan ang dati niyang pinagtrabahuan—silang dalawa ni Minerva, upang kumustahin ang mga dating kasamahan nila roon. “You can take a rest while we’re on the way,” ani Thad nang makitang panay ang hikab niya. Si Minerva na nasa likod ng sasakyan nila ay kanina pa tulog habang siya ay pinipilit na hindi makatulog upang may kasam

