THIRTY-SIX “What the hell is this?” nanggagalaiting bulalas ni Jules nang mapanood ang balitang ikakasal na sina Xielo at ang lalaki nito. “They’re getting married?” Nakita niyang tumawa ang babaeng nakaupo sa sofa at may hawak na basong may laman na alak. “Isa lang ang ibig sabihin niyan. Thad succeeded pursuing Xielo, and all this time that b*tch loves him—” “No!” mabilis na putol niya sa sinasabi ni Nicole. Hindi totoo ang sinasabi nito, ramdam niyang may pagtingin pa rin sa kanya si Xielo at naguguluhan lang ito sa mga nangyayari ngayon. “She still loves me.” Sunod-sunod ang ginawa nitong pag-iling na mas lalong nagpakulo ng dugo niya, gusto niya sanang sakalin ito at pagbuhatan ng kamay ngunit hindi niya iyon magagawa dahil may usapan silang dalawa at isa pa, kapag ginawa niya iyo

