THIRTY-SEVEN Habang pinag-uusapan nila ang magaganap na kasalan ay hindi maiwasan ni Xielo na asarin ang kapatid ni Thad na si Ricar. Dumating kasi ito ngunit hindi nito kasama ang sinasabi ni Thad na nobya nito. “Oh, Ricar, kailan ka naman susunod na ikasal?” tanong niya rito. “What? Hindi pa sumasagi sa isipan ko ang bagay na iyan,” kunot ang noo na turan nito sa kanya. “Huwag mo ng asahan iyan na ikasal, baka tumanda na iyan na walang asawa,” natatawang pang-aasar ni Ei sa pinsan nito. “Grabe ka naman sa akin! Hindi ako tatandang mag-isa,” ani Ricar na nakasimangot. “Ows?” nakangising turan ni Ei. “Bakit galing iyon sa ilong?” Sininghalan ni Ricar si Ei. “Wanna bet?” “Tigilan niyo iyan,” naiiling na turan ni Thad sa dalawa. “Para kayong mga bata. Ikaw, Ei, alam mong masyadong sa

