THIRTY-EIGHT Nasa terasa si Thad nang makatanggap ng tawag mula sa mga kaibigan niya. Nagpaalam si Xielo na dadalawin ang mga dating kaibigan at katrabaho nito sa restaurant na pinagtatrabahuan nito dati kasama si Minerva. Gusto niya sanang samahan ito ngunit pinigilan siya nito at sinabing sunduin na lang niya mamaya, baka raw mailang ang mga kaibigan niya kapag nakita siya. Nagbihis siya at bumaba para puntahan ang mga ito sa Bachelor’s Den, naroon daw ang mga ito kasama ang kanyang kapatid na si Ricar. “Dude, did you already plan your wedding?” tanong ni Dabce pagkadating na pagkadating niya sa Bar na pagmamay-ari nina Oliv at Xielo. “I missed you too, bro,” sarkastiko niyang turan kay Dabce. Tinawanan naman siya nito sabay inabutan ng inumin. Inilibot niya ang tingin sa buong pal

