THIRTY-NINE Huminga ng malalim si Xielo, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan ngayong makakaharap niya ang pamilya ni Thad. Kasama sana si Ei, ngunit mas pinili nitong manatili na lang sa bahay ng mga ito dahil sa mga bata, nag-aalala itong baka hindi sila makapag-usap ng maayos kapag naroon ang mga bata. “Calm down, walang mangyayari sa’yo,” natatawang turan ni Thad nang mapansing kinakabahan siya. Sininghalan niya ito. “Madali lang para sa’yo iyan kasi hindi naman ikaw ang haharap!” Hinapit siya nito at hinagkan sa labi, walang pakialam sa mga nakapaligid na mga taong kumakain din sa sikat na retaurant na iyon. “Kinakabahan ka pa ba? I can kiss you again to wipe your fear,” nakakalokong sabi nito saka siya kinindatan. Iiling-iling siyang napangiti. “Kahit kailan talaga, puro

