Mariel’s POV Nakaligo na kami ni Kathlyn pero si Riann natutulog parin. “Saan ba galing yung pampatulog na hinipan mo kanina?” Nagtatakang tanung ko dito habang tinititigan ang mala angel na muka ni Riann. Napakaganda talaga nito at napakabait pa. “Sa isang bagong kakilala,” nakangiting sagot sa’kin ni Kathlyn. “Bakit hindi pa s’ya nagigising? Sino ba yang bagong kakilala Kath?” Nag tatakhang tanung ko dito, lumapit naman sa’kin si Kath at naupo din sa tabi ni Riann. “Kay Prince Rain,” bulong nito na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko. “Hoy tanga kaba Kath? Hindi natin kalahi yun bakit ka nagtiwala dun?” Inis na sabi ko dito, nakangiti parin naman si Kathlyn at nakatitig kay Riann. “Nakakangiti kapa n’yan, paano kapag hindi na nagising yan? Lalo tayong malalagot kay Gael n’yan

